]two thousand and seven[

(1) nakakaramdam din ba ang ISIP? (2) nangangatwiran din ba ang PUSO? (kung OO, bkt? kung HINDI, bkt? kung EWAN, bkt din?) :D
X=
hindi. meron kasing mga bagay na naiintindihan ang puso na hindi nabibigyan ng dahilan ng utak. kailangan may balanse sa dalawa.

alin ang masasabi mong pinaka central proccessing unit (cpu) ng pagkatao mo, UTAK o PUSO?
X=
UTAK para sa akin ang pinakakumokontrol sa pagkatao ko. kung puso kasi magiging kawawa ako. pero ang maganda kung ano yung sabi ng puso kailangan back up ng utak. :)

nablangko ka? 1st time? (cge wag na nga yun, iba na lng ittanong ko)
X=
oo. kasi ngayon lang ako nakaengkwentro ng tao na ganun. na kapareho ko. hahaha. :)

Ateneo o La Salle?
X=
fastest earning university pa rin ako

Sa mag napagdaanan mong mga karanasan ngayong taon na ito, alin dito ang nakapagbigay sa iyo ng pinakamasaklap na alaala?
X=
bukod sa kamuntik na ako patayin ng isang blogger, medyo personal na kasi at tungkol ito sa problema ng pamilya pero ayos lang. balewala sa akin yun. mas madami pa rin ang mga magagandang nangyari sa akin na dapat ko ipagpasalamat. yun ang mahalaga.

bakit 'chiksilog'?!
X=
bakit hindi? matagal ko ng alam ang salitang chiksilog bago pa ito nagamit ng kamikazee. dalawa kasi ang pakahulugan sa salitang chiksilog. yung una kapag sinabi na chiksilog ibig sabihin babaeng may itlog. i have the balls, the guts. yung pangalawa parang babaeng bakla. ayun. :)

paano kung bigla kang sinugod ni inday (ang chochal na katulong) at kinausap ka using words which are out of this world dahil nagapi mo sya julia's entertainment blog of the month.. ano sasabihin/gagawin mo?!
X=
yayakapin ko siya at bibigyan ng backrub at sasabihin ko--it was a good fight between 2 of the most empowered women. it is already done and over with so i dont want to be receiving messages from you on my freaking cellphone. hahaha. leave your employer alone. they are not like us. hahaha

bakit may mga batang amoy itik? amoy laway? amoy araw...?
X=
hindi pa ako nakakaamoy ng itik. haha. naniniwala kasi ako na kung ano yung amoy ng bata e yun yung lifestyle niya. halimbawa amoy laway siguro laging natutulog yun. yung amoy araw siguro lagi siya naglalaro sa labas. ganun.

pero bakit naman ganon!??
X=
e kasi hindi ganito

anung favorite song mo?
X=
masaya ng bandang bamboo

ikaw ba ang sinasabing blogger na kamukha i cassandra ponti?
X=
sa totoo lang hindi ako naniniwala na kahawig ko si casssandra ponti. hindi ko ipinapangalandakan na hawig ko siya. yung mga tao na nakakakita sa akin sila ang nagsasabi na kahawig ko siya. pero sa palagay ko hindi naman totoo. hahaha

totoo ba yang mga questions dyan o gawa gawa mo lang?
X=
totoo ang mga questions na nandito. galing ang mga tanong sa ibat ibang mga klase ng tao. kitamo? sinasagot ko yung tanong mo. hindi ko gawa gawa ang tanong na ito.

ToToO bAnG mAY DiYoS?
X=
MasYadoNG StIckY anG TaNOnG na Ito. hmm. WALa aKoNg eBIDEnsiYA na May DIyoS PerO ALaM KO ThERe Is A hIgHEr BeInG.

how can you face your problem if the problem is your face? (pls. answer in a politically correct way)
X=
talagang nagrequest ka pa na politically correct dapat ang sagot? hahaha. nasagot ko na ito dati. i do not have a problematic face. :)

hindi ka ba naliligo? OO o HINDI?
X=
naliligo ako, OO.

puwede ka nga bang matusok ng matalas na kilay?
X=
hindi ka pwede matusok ng matalas na kilay. argh. matalas na utak meron tsaka matalim na titig pero walang matalas na kilay.

ok lang ba magkacrush kapag may girlfriend na? pero siguro hindi lang crush...
X=
oo naman. ok lang magkaroon ng crush kahit may girlfriend ka na. paano mo naman nasabi na hindi lang crush? higit pa sa paghanga ang nadarama mo?

ano ang masasabi mo sa mga karatula sa valenzuela na nakalagay " Valenzuela May Disiplina" tapos sa bandang babang bahagi... "do not remove"
X=
maygahad. hindi ko pa nakikita ang karatuyla na yan. haha. sa palagay ko ang paalala na 'do not remove' ay para sa mga HINDI taga Valenzuela na walang disiplina. haha. mabuti na nagiingat. :)

hindi nga!?!
X=
einubeh

kung anak lang ang gusto mo at hindi asawa; kung sa'ken ka kaya makipag-kontrata, payag ka? ... anak lng din kasi ang gusto ko, kaya at least dalawa ang gawin natin para tig-isa :-D
X=
hindi naman ako nagsasalita ng tapos nung sinabi ko na ayaw ko ng asawa at anak lang ang gusto ko. teka. lalake ka ba? ngayon lang ako nakakita ng lalake na gusto ng anak at gustong makabuntis. hahaha. hindi pwede. madaya yun. NABLANGKO AKO. shet. perstaym. hahaha. gusto ko magkaanak para sa sarili ko pero hindi para sa ibang tao. haha. ewan ko. hindi ko alam. ano sa palagay mo?

explain einstein's quote "i don't know what weapons third world war would be used upon -- but world war 4 will be fought with sticks and stones"
X=
kung maipapaliwanag ko ito edi kalebel ko na si einstein. kaloka. siguro gusto niya sabihin ay ang susunod na magiging digmaan ay laban ng mga dukhang walang pambili ng atomic bomb. haha

bat ang tagal mong sumagot sa mga tanong?!? kailangan pa bang icompute ang answers?!?
X=
nakalimutan ko lang na may isa pa pala akong blog. haha. :)

Nilinlang, niloko ka na ba?
X=
OO NAMAN. pft. ahaha. :)

Anong entry sa MMFF ang papanoorin/napanood mo?..at bakeeet?
X=
gusto ko panoorin yung katas ng saudi. haha. joke. bahay kubo at sakal sakali saklolo. :) parang maganda yung desperadas.

Ano bang bago dito sa Blog Sikret? Nasaan na ang mga tao? Nanahimik na ba ang mapagtanong nilang mga puso?
X=
wala naman masyado nagaganap dito sa blogsikret. yung mga tao dito sa blogsikret andiyan pa rin sila. nagtataka nga ako e. walang problems of the heart. himala. yun pa naman ang gusto ko sagutin. :)

i miss xiennah na. ;p -gk merry xmas and happy newyear my sweetie!
X=
sweetie? san galing yun? maligayang pasko at manigong bagong taon.

bakit mahal ang havaianas!?? ano ang mafi-feel mo kung bilhan ka nito?!?
X=
kaya mahal ang havaianas kasi kaunti ang mayayaman sa pilipinas. kaunti ang kaunto ang mayayaman na nagdedemand kaya kaunti ang supply. hahaha. mas mahal magpagawa kapag kaunti lang diba? hahaha. kung bibilhan ako niyan pakiramdam ko rich ako sa valenzuela. haha.

Ano ang Tagalog ng hemoglobin?
X=
nadinig ko na yung tagalog nito e. alam ko meron. nalimutan ko lang. hayaan mo aalalahanin ko.

sa tingin moanong tawag sa mga bloggers na walang pera?
X=
ADSdict. haha. yung mga bloggers na walang pera na adik sa advertisement. haha. joke lang. joke lang.

Sa tingin mo ba eh may kahihinatnan ang pakikitungo ng Pringles sa Pillows?
X=
hindi ko alam. wala akong alam. :)

hindi naman eh...
X=
ows. haha.

kala ba namin sasagutin mo yung mga tanong? tinapos mo lang eh.... :D
X=
sinagot ko naman e kaya lang hindi mo nagustuhan ang sagot ko. hindi yun ang sagot na hinahanap mo.

Pano kung mabuntis ka gayung naghawak lamang kayong dalawa ng kamay? ibig sabihin ba non ay parehas kayong enkantado?
X=
haha. ewan ko sa iyo.

Mariano o john lloyd na umaming bading siya?
X=
hindi bading si john lloyd. ewan ko lang si mariano. hahaha

Niyaya ka bang magdate nung nagtanong kung papayag ka?
X=
sa palagay ko hindi niya ako niyaya na makipagdate kasi kung niyaya niya ako malamang sinabi niya sa akin kung ano yung detalye ng date namin. hindi naman e.

eh... pero puede nga yun eh... na tatlo, siemps may factor yung partner stuffs -- pero hindi nga?
X=
nasabi ko na ang opinyon ko doon. tapos ang usapan.

Ang ganda ng planner ng Jolibee. Bibilhan ko ba ang nanay ko kahit may planner na siya? Ganda kasi talaga. :))
X=
pakiramdam ko ikaw ang talagang may gusto ng planner. bilhin mo para sa sarili mo.

May ideya ka ba kung sino ang nagtatanong ng mga tanong dito? Yung mnay kinalaman sa sex, yung movie lines, o eto kaya? hmmm
X=
nalalaman ko kung sino ang mga nagtatanong dito sa paraan ng pagbuo nila ng pangungusap at sa mga bagay na lagi nilang tinatanong. nagkakaroon ako ng ideya pero hindi ko pa rin alam kung sino. halimbawa ikaw, dahil sa vocal interference mo na 'hmmm' meron na akong ideya kung sino ka. :)

Are you spanking the bald champ's training partner?
X=
yes and no.

Kung biglaang kang mabuntis pero wala namang nangyaring interaction with the opposite specie—parang divine intervention/immaculate concepcion—paano mo sasabihin ito sa magulang mo?
X=
sa totoo lang malabo talagang mangyari ito pero kung sakali na mangyari nga hahanap ako ng lalake na pwede akong panagutan. hahaha. kakasahan ko ng baril sa noo. hahaha. biro lang. sasabihin ko sa magulang ko na nabuntis ako pero kapag tinanong ako kung sino ang ama siyempre hindi ko sasabihin. sabihin ko secret. hahaha. yun naman talaga ang gusto ko, magkaanak lang pero walang asawa. :)

totoo ba na pag namasturbate ng tatlong beses ang isang lalaki bago sya makipag-sex sa babae, hindi nya ito mabubuntis kahit ilabas sya sa loob yung pang-apat?
X=
ito opinyon ko lang, kasi ang lalake matagal ang refractory phase kaya imposible na sa isang araw ay makapagmasturbate ka ng ganyan ka dami. masama ang sobra sa katawan. :) kung gusto mo talaga na hindi makabuntis edi magcondom ka na lang kesa naman umabot pa ng ganyan kadami ang seremonya mo.

ano naman sa palagay mo ang mararamdaman ng mga taong gustong suklian yung kabutihang ginawa mo sa kanila pero hindi mo naman tinanggap?
X=
sapalagay ko parang naitaboy ko sila sa maling dahilan. hindi maganda ang pakiramdam na maitaboy at tanggihan.

lang tanong na ang natanggap mo dito na aminado kang hindi mo alam ang "tamang sagot"?
X=
madami na rin. siguro less than 10 questions. haha. pero kadalasan kasi subjective questions ang tanong kaya madali lang sagutin. :)

hindi ko alam kung natanong na'to?
X=
hindi pa naitatanong iyan. haha

Ano sa tingin mo ang kahihinatnan ng botohan sa Entertainment Blog na ito?
X=
mananalo ako sa maling dahilan.

Ano ang naiisip mo kapag kumakain ka ng Pillows?
X=
i want more. haha. ang sarap kasi nun kaya gusto ko pa. :)

ok lang ba sau kahit may anak?
X=
huh? ok lang sa akin ang may anak? sino? ano gagawin ko sa taong may anak?

kung yayain kita ng date, papayag ka ba?
X=
depende sa kung sino ang magtatanong, kung saang lugar, kung anong oras at kung anong budget at ang pinakamahalaga sa lahat--kung nasa mood ako. haha

Mariano o John lloyd?
X=
kahit bangag ako nakapikit o baliw si john lloyd pa rin pipiliin ko. magtigil nga yang si mariano. pilingero. haha. hindi nga sila magkalevel e.

Paano ba ang tamang paraan ng pang-aalok?
X=
ano bang pagaalok ang ituturo ko sa iyo? yung kukunin o yung hindi? haha. ang pinakamaganda niyan MAGBIGAY ka na lang ng kusa kaysa magalok.

papasa ba ko sa SCJP?
X=
sa palagay ko, kung mangongopya ka malamang pumasa ka. :) kung magaaral ka at babawas bawasan mo ang paglalaro ng flash games at pakikipagchat malamang maging mabait sa iyo si papa jesus at ipasa ka. haha

may katotohanan ba na kapag nagwoworkout ay lumiliit din daw ang patotoy?
X=
ano ang patotoy? haha. baka kasi mamaya mali ang sagot ko. mahirap na. kailangan natin maging malinaw sa ating mga salita. :)

bakit?
X=
oo.

Anong plano mo ngayong nakuha mo na ang lisensya mo?
X=
wala akong plano. aantayin ko muna ang next year bago ako gumalaw galaw. hahaha. sa madaling sabi ako ay isang tambay hanggang matapos ang 2007.

Ano ang sasabihin ng tatay mo sa nakabuntis sayo?
X=
sa totoo lang hindi ko alam ang sasabihin ng totoong tatay ko. pero teka. tinanong ko kasi ang demi god daddy ko sa blogosphere at ang sagot niya "siguraduhin mong kambal ang magiging anak niyo, blue ang mata, at malaking bulas, dahil kung hindi lagot ka sa akin"

anak ng pating...
X=
anak ng lugaw na may tokwa.

bakla nga ba si L.A. LOPEZ?
X=
hindi ko alam kung bakla ba talaga siya. pero kung totoo man--diosko. ang laking bakla nun. :)

Kung magiging sirena ka, anong isda ang pipiliin mo bilang buntot?
X=
garabe. nagGoogle pa ako para lang dito. wahaha. yung buntot ng bluefin tuna. nalaman ko kasi na iyon ang pinakamahal na isda. siyempre gusto ko sosyal ako sa ocean. haha. pwede na rin yung buntot ng sea horse. nalaman ko kasi na vertical ang paraan ng kanyang paglangoy. asteg. i am born to stand out kahit isda. haha

bakit walang bluetooth ang 5110?
X=
kaya walang bluetooth ang 5110 kasi hindi pa siya colored. ganun yun. kailangan colored muna tapos infrared tapos bluetooth. ewan ko lang. haha. kaya nga may antenna ang 5110 kasi yun na yung gagamitin sa pagkonek with people. hahaha

anung fave subject mo sa nursing?
X=
concept? ang paborito ko ay fundamentals of nursing, medical-surgical nursing at pychiatric nursing.

Kung magkakaroon ba ng pagkakataon na magmahal ng kahit na sino, sino ang pipiliin mo at bakit?
X=
kung magkakaroon ako ng pagkakataon na magmahal ng kahit na sino malamang ang pipiliin ko ay yung tao na mahal din ako. wala pa akong nakikitang tao na minahal ako ng higit pa sa pagmamahal ko para sa kanya. masarap kasi yung pakiramdam na mahal niyo ang isat isa. mas maganda yung magmahal dahil sa mahal ka rin.

ignoramous o mariano? (hindi pwede si Fer Bert ehh. haha. kilala mo na ako siguro :P )
X=
wala akong pipiliin sa kanila. ang gwapo naman nila. hahaha

bakit hindi ka na napapadaan ang blog ko? wala lang?
X=
naku. sorry. kasi may mga ibang blog sa blogroll ko na hindi nalalagyan ng arrow mark kapag nagupdate. hindi ko alam sa blogroll kung bakit ganun. naku sorry talaga. yung napupuntahan ko lang kasi yung may arrow sign. ayon. sorry. paalala mo kasi sa akin na nagupdate ka. ok? :)

Ano ang naging rating mo para sa taon na 2007? Good or bad?
X=
rating sa anong aspeto? siguro in general--VERY GOOD. :)

ano ka ba?
X=
ano ka rin ba? haha

Kailan ba magkakaroon ng Xienah Fan's Day?
X=
pinagiisipan ko sa december 31. :) wahaha. ewan ko. hindi ko alam kung kailan gaganapin ang fans day na yan. kayo magOrganize tapos pupunta na lang ako. naka costume na pang chiksilog. wahaha. hangkapal ng mukha ko. wahaha. hindi naman ako sikat na artista para magkaroon ng fans day.

totoo bang malaki lang ang katawan mo, pero hindi mo ako kayang patumbahin?
X=
huh? hindi naman malaki katawan ko. matangkad ako malaking bulas pero hindi malaki katawan ko. ang sexy ko kaya. haha. sa palagay ko mapapatumba kita. kung sino ka man. gagamitan kita ng physics. haha.

bading ka ba?
X=
babaeng bakla. kung nakikita mo, ladies first pa rin--babae muna bago bakla. mauuna pa rin nag pagiging babae ko sa pagkabakla ko. :)

Sa paanong paraan mo gustong maromansa?
X=
haha. ano ba yan? garabe naman. haha. hmm. depende sa mood ko. pero parang mas gusto ko yata yung pilyo ang dating. ewan ko ah? haha.

Bakit wala nang masyadong nagtatanong dito?
X=
merong nagtatanong kaso tinatamad ako sumagot. ok lang naman na tamarin paminsan diba? minsan din kasi walang challenge yung mga tanong e. tsk tsk. hindi man lang ako nahirapan. hahaha. yabang ko. :)

naholodap knaba?
X=
ako lang ata ang nagaaral sa uBelt na hindi pa nahohold up. haha. hindi pa ako nahohold up pero nanakawan na ako sa jeep. ang tanga ko nga e kasi hindi ako pumalag.

ten tenenenten ten ten
X=
tigidigtig tiss

Sino ang naaalala mo kapag umuulan?
X=
wala naman ako naaalala kapag umuulan.

brush
X=
ano meron sa brush?

San ba nagmula ang mga tiyanak?
X=
siguro kay janice. haha

Gusto mo talagang malaman problema ko? nasasaktan ako..kahet alam kong wala na kong karapatan..dahil naisip kong ako naman ang may gusto nito..pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako.. na sana ako pa rin.. sana ako na lang.. sana ako na lang ulit…
X=
sobrang gasgas na ng linya na ito. tsk tsk

mahal kita, mahal mo sya pero may mahal syang iba. bakit hindi na lang ako ang mahalin mo tutal mahal naman kita?
X=
wahaha. kasi nga mahal ko siya? haha.

natutulog ba ang DYOS?
X=
hindi. pero nagpapahinga siya.

tsk tsk tsk
X=
haha.

kanino ka kakampi, kay trillanes o kay gloria?
X=
kay guingona. haha

marimar o rosalinda?
X=
maria mercedes

Anjanet, Criselda, Cassandra, Pauleen Luna, Tin Arnaldo, o Kristine Hermosa. Sino sa kanila ang pinakamaganda (kilala mo na siguro ako.. okay lang sakin kung di mo sagutin tong question ko)
X=
si kristine hermosa kasi hindi ko siya kamukha. haha

ano sa tingin mo ang asset mo?
X=
yung utak at personalidad ko.

Earth, Wind, Fire, Water. Ano sa tingin mo ang pinakamahalagang elemento ng mundo?
X=
pinakamahalagang elemento sa mundo? kung papipiliin ako ng isa siguro earth. wala lang. haha.

how would describe the beauty of mother nature to a blind child?
X=
kang kagandahan ay hindi lang nakikita sa panlabas na anyo. ipapadama ko yun sa pamamagitan ng pagpapakita ng malinis na kalooban. sapat na yun na maramdaman ng isang paslit.

what makes you blush?
X=
nasagot ko na yata ito dati. haha. hmm. siyempre kapag kinikilig ako. ganun. kapag nakakatanggap ako ng papuri mula sa ibang tao.

bilang isang chicksilog o chicks na may itlog. payag ka ba sa same sex marriage? at ano sa tingin mo an magiging epekto nito sa ating lipunan?
X=
hindi ako payag sa same sex marriage pero kaya kong kunsintihin ang same sex relationship. huwag na nila masyadong karerin yun. ok na siguro yung magkasama sila ng walang matrimonya.

ginusto ko naman to. pero bakit ganun. ang sakit sakit?
X=
hindi kasi ibig sabihin na ginusto natin ang isang bagay yun na ang magpapasaya sa atin kaya ka nasasaktan.

bakit bilog ang mundo at hindi square, rectangle o triangle?
X=
hindi bilog ang mundo. oblate spheriod ang earth.

ano ang maitutulong ng iyong blog sa pag-unlad ng ating bansa?
X=
walang direktang epekto ang blog ko sa pagunlad ng bansa dahil una, hindi naman iyon ang layunin ko. pangalawa, mas uunahin kong paunlarin ang sarili ko bago ang ibang tao. haha. at kapag nangyari yun saka ko pa lang masasabi na kaya ko paunlarin ang bansa.

kung magiging presidente ka ng pilipinas sa isang araw, ano ang gagawin mo?
X=
hmm. hindi ko talaga alam. siguro lilipunin ko lahat ng mahihirap tapos magtatayo ako ng isang organisasyon na maaaring makapagbigay sa kanila ng trabaho. dadagdagan ko rin ang sweldo ng mga guro para naman ganahan sila na makapagbigay ng edukasyon sa mga bata. kailangan yun sa bansa natin. makikipag usap ako sa mga rebelde para sa kapayapaan at pambansang pagkakaisa. pero siyempre hindi naman mangyayari ito. hahaha.

As a nurse, what do you know about testicles?
X=
as a nurse we do not usually talk about such unless its either medical or ethical issue.

Kung magiging gamit ka na panlalake, ano ka? At bakit?
X=
panlalake? e wala akong alam na gamit na panlalake. siguro boxers shorts. kasi kapag kasama mo ako kumportable ka. at secured at the same time. hahaha. :) may boxer shorts na pambabae diba? hindi rin ako sure. :)

If you could invent a device to end all world problems, what would that be?
X=
siguro yung katulad doon sa MIB, yung memory eraser thing. ayon. kasi kung makakalimutan ang lahat ng problema, lahat magkakaintindihan. lahat magkakaroon ng panibagong chance. panibagong life. ewan ko. haha. yun ang nauna ko naisip. lame ba?

What is your favorite shade of blue?
X=
periwinkle. :)

san kba ng-high school? xclusiv girls school? st paul? st scho? assumption?
X=
hindi ko pwede sagutin ito dahil sa maaari itong maglantad ng katauhan ko. pero tama ka--exclusive for girls yun. :)

may pera ba sa basura?
X=
hmm. walang pera sa basura pero may pera sa pagRecycle ng basura. :)

What would the world be without Xienah?
X=
tuloy pa rin ang mundo kahit wala ako pero malamang ay mareincarnate ako sa katauhan ng isang bakla.

pumopopoy kba?
X=
si popoy ba si john lloyd? so jumajohn lloyd ako? hmm. oo naman.

Hmmm... kung paiba-iba ang ugali, katauhan, at kaisipan mo, maaari din bang mag-iba ang kasarian mo?
X=
oo. totoo yan. minsan tomboy ako pero mas madalas bakla. :)

Pwedeng ako na lang? Ako na lang ulet?
X=
hindi naman kita pinili kahit kailan. bash ikaw ba yun? ako ito si popoy. haha.

Sa isang salita, paano mo maidedescribe ang kabuuan ng katauhan ni Xienah?
X=
Paiba-iba. may multiple personality disorder kasi ako. :) paiba iba daw ako ng ugali. paiba iba ako ng katauhan.

pero naranasan mo nang magmasturbate?
X=
hindi natutuloy. :)

Kung makakapag-alaga ka ng kahit sinong artista, sino ang ine-nurse mo?
X=
si dolphy baka kasi bigyan niya ako ng mana. wengk. hahaha. siguro si lloydy. ayeeee. haha. si john lloyd cruz, gagamutin ko ang puso niya kung sakaling may manakit. :)

lagi mong pinahahagingan ang topic na sex bakit? certified instructor ka na ba nito?
X=
ako ba nagpapahangin tungkol doon o yung mga nagtatanong? hmm. kasi ako naman nagbibigay lang ako ng sagot base sa kung ano ang tanong. hindi naman ibig sabihin na may alam ang isang tao tungkol sa sex ay mahalay na siya. hindi ako instructor ng kahit anong konsepto. ako pa nga ang dapat turuan. haha

day paano ba mag html? tae di ako marunong nun. turuan mo ko. christmas gift mo na sa akin yun.
X=
day, kung ako sa iyo sa internet ka na magaral. kasi ako walang nagturo sa akin e. self study lang. kaya mo yan. kung may tanong ka saka ka na lang lumapit sa akin. :)

bakit ba ako nagtratrabaho? tingin mo?
X=
kasi kailangan mo ng pera para matustusan ang sarili at pamilya mo.

nagma-masturbae ka ba?
X=
ang sabi kasi 'masturbation can be used to relieve boredom or stress'. hindi naman ganoon kastressful ang buhay ko ngayon at hindi pa naman ako umaabot sa todong boredom. una, walang masama sa pagmasturbate. nagiging masama lang ito kapag nakakahadlang na sa pangaraw araw na gawain at talagang napapadalas. pangalawa, lagi akong nasa tapat ng computer na strategically located sa living room area ng bahay namin--ibig sabihin, gustuhin ko man magmasturbate ay wala akong pagkakataon dahil makikita ako ng mga tsismosong kapitbahay. parang ang sagwa naman nun kung hihimasin ko yung underwear ko sa pamamagitan ng keyboard at ang ikiskis ko ang mouse sa dibdib ko. pleasure provider kasi ako. mas naliligayahan ako sa pagbibigay ng ligaya sa iba. hahaha.

gaano kadalas ang minsan?
X=
once, twice, three times. hindi ko alam. hahaha. kung gaano kadalang ang palagi.

Are you willing to strike a bikini pose for FHM, Maxim, or Uno? If so, which one of these three magazines would you choose?
X=
naku, haha. hindi naman ganoon kaganda ang katawan ko para magpose sa mga ganyang magazine. hindi nga ako nagpapakita ng braso kapag umaalis ako ng bahay. haha. ang lamig kasi ng pakiramdam ko, tapos buong katawan ko pa ilalantad ko? :) pero kung magkakaroon ako ng magandang mental conditioning, magandang konsepto at magandang team na narerespeto ako, siguro pwede. paghahandaan natin yan. sa tiktik siguro muna ako magpopose. joke. small time muna tapos step by step hanggang makarating sa FHM. establisado na ang magazine na yun tsaka maganda na ang imahe ng kumpanya nila.

adik ka ba?
X=
adik ako. sumisinghot ako ng betsin.

waahh nakakatuwa naman site mo so cool.. bakit kaya napagtyagaan ko basahin toh eh ang tamad ko magbasa?? hehe nice one girl.. *kudos*
X=
salamat at 'napagtiyatiyagaan' mo ako basahin. haha. hindi naman magiging posible itong lahat kung hindi dahil sa mga tao na sumusuporta at patuloy na nagcocomment. :)

sinong blogger ang gusto mong regaluhan this xmas..???
X=
hmm. actually meron agad isang blogista na pumasok sa utak ko. hala. kinilig naman ako bigla. pasaway na tanong ito ah? haha. hmm. eto para maganda at walang selosang magaganap sa mga lalake ko, kung sino na lang ang magbibigay sa akin ng regalo siya na lang din ang bibigyan ko ng extra special gift na may kasamang kiss. weow. :)

bakit ang tawag sa sipilyo sa ingles ay toothbrush pero madaming ngipin naman ang nililinis nito? pwede bang tawaging teethbrush na lang?
X=
pwede. sino nagsabi na hindi pwede maging teethbrush ang toothbrush? sus. wala naman nagbabawal.

Kung ikaw ay isang halaman, bakit?
X=
minsan kasi gusto ko maging halaman para naman kahit papaano marunong ako magpakaplastic. masyado na kasi akong totoo. wahaha

8 random facts about me:
(1)nagiinit ako ng tubig bago maligo
(2)galing ako sa isang catholic school na exclusive for girls
(3)ipinasa ko ang nursing licensure exams ng hindi nagrereview center
(4)marunong ako ng street magic at card tricks
(5)lagi ako nagkakaroon ng tonsilitis kaya iniisip ko na magpatonsillectomy
(6)kaya kong abutin ang uvula ko sa pamamagitan ng dila ko
(7)gusto ko matuto ng pole dancing
(8)si smokey manaloto ang unang crush ko

Day, libre ba yung site mo o may bayad? GUsto kong magkaroon ng blog na magda yung design hindi yung typical yung hitsura.
X=
day, libre ito. nasa blogspot ang aking site. kung gusto mo magkaroon ng blog na hindi typical ang itsura ay manalangin ka na matuto ng html. :)

ano ang maidudulot ng pageehersisyo
X=
seryoso ka? di mo alam ang maidudulot ng ehersisyo? kapag nagehersisyo ka para ka na ring nakipagsex. :)

given angle α to be 60degrees with an opposite side of 30m find the length of the hypotenuse
X=
30/tan60=17.32 hindi ko alam. waaaaahaha.

nanonood ka ba ng marimar?
X=
oo napanood ko at nanonood ako ng marimar. :)

anong pinaka gusto mong pakinggangawitinngayon? ;p
X=
naaadik na talaga ako sa kanta ni josh verdes na save me. pinapaalala kasi niya si kevin. :) tapos meron akong nalaman na magandang kanta--cant help but wait ni trey songz. subukan mo. pero yung all time favorite song ko ay Masaya ng Bamboo.

paano nag simula ang larong basket ball
X=
si james naismith kasi nainip nung isang winter kaya nagisip siya ng isang laro na maaaring ganapin sa isang maliit at saradong lugar. sakto naman meron silang soccer ball at 2 basket at doon na naimbento ang basketball

anong gusto mong gift ko sayo sa xmas?
X=
isang entertainment showcase, bagong pc, digicam, kotse at Nseries na phone. kung nagtitipid ka e pwede na yung personalized shirt mula sa theTshirtproject at doon nakalagay ang isang magandang tagline na naiisip mo tungkol sa akin. nice diba? :)

sino mas gusto mo? si sandara park o si kim chui? ako, ayoko sa kanila. sakit sa tenga ng boses. haha.
X=
ayaw ko talaga kay sandara park ever since na nagsimula ang sandara wave. henakoh. alam ko na malalaos lang siya. okay naman si kim chiu, natatawa ako sa kanya. ok din naman ang kanta niya. meron nga ako nung crazy love e. haha.

sino si kenzo?
X=
si kenzo ay isa sa mga pinakauna kong blogger friend.

Can you cry under water?
X=
oo naman.

If electricity comes from electrons, does morality come from morons?
X=
obviously morality came from MORALS you moron. wah? haha joke lang

If corn oil is made from corn, and vegetable oil is made from vegetables, what is baby oil made from?
X=
from semen. haha

Why are you IN a movie, but you're ON TV?
X=
you actually play it by ear. kung ano yung mas maganda pakinggan--bull's eye. ayon sa grammar rule, ON dapat kung tungkol sa communications i.e. ON telephone, ON radio pero hindi maganda pakinggan kung ON a movie. :)

bakit kasama yung PANTASYA.COM sa mga fan sites mo? lurker ka ba nun?
X=
ow? kasama ba? hindi ko napansin. tsk tsk tsk. mabuti pinaalala mo. hahaha. hindi ako lurker doon. kahit ipatanong mo pa sa server nila kung andon ang ip address ko. hindi talaga ako napupunta doon. nilagay ko iyon doon para kung sakaling mainip na yung mga tao sa mga pinagsasasabi ko e may exit agad na maganda.

Ham-an ang imong anwag naga-eogaeog sa eogan-eogan?
X=
wtf. hahaha

sa tingin mo ba bagay kayo ni fer bert?
X=
hindi kami bagay kasi diyosa ako alien siya.

pwede bang lagyan ng ng pangbreakfast at dinner ang lunchbox?
X=
kung magtatanghalian ka sa agahan pwede yun.

miss ka na daw ni kenzo
X=
aysus. talaga lang. tsk tsk

masarap kaya pagsabayin ang sex at pagkain ng chocolate?
X=
hindi ko pa nasusubukan yan kaya hindi ko pa nasasagot.

mahal mo ba ako?
X=
haha. einubeh tong mga batang ito. diosko. mahalin mo muna sarili mo bago mo ako tanungin niyan.

chocolate! haha!
X=
tulad nga ng sabi ko hindi ako gaano nasasarapan sa chocolate. haha

saan mo balak magtrabaho at baket?
X=
dahil sa nurse ako malamang sa hospital pero mas gusto ko talaga na pumasok sa industriya ng pagtuturo--nurse educator. hindi ko kasi talaga nakikita ang sarili ko na nasa hospital at nakasuot ng scrub suit. mas gusto ko yung pormalan ang suot para sexy ang dating. haha

if im gonna ask you to marry me, would you ride in the merry-go-round?
X=
i am not the marrying type of girl but i like to have a wedding rather than a marriage. so siguro sa wedding go round na lang

kung isa kang tite, gaano ka kalake?
X=
hindi ko kinukunsinti ang mga ganitong klase ng tanong sa question box. hindi ko masasagot ang tanong na ito dahil hindi ko alam ang sagot.

anong ginagawa mo pag el na el ka na?
X=
hindi ko pa nararanasan na maeL talaga ng todo. hmm. wala kong ginagawa kasi hindi ko pa nararanasan yung ganung level.

kaano-ano mo si kokey?
X=
hindi kami magkaano ano ni kokey. einubeh. haha. diyosa ako at hindi alien. ang ganda ko para maging kamaganak ko siya. haha

kung merong kantang ikaw ang maaalala kapag narinig, ano yun? kasi naiisip kita, hehe
X=
beautiful girls ni jojo, wait for you ni elliott yamin, jenny at just the girl ng the click five, anonymous ni bobby valentino, pink5ive at ikaw lamang ng silent sanctuary. teka. naiisip mo ako? weow. tsk tsk. wala na. kras na yan. hahaha

kasabot ka sa akong pangutana?
X=
pinabuang ka gidaw. ging hambay ko na way man ako kabalo ning bisaya. bogus gid ako sa pagbisaya, waya man ako kapuyos puyos sige lang gid ang pakengkoy.

im having my erection now dahil inisip kita, pwede ba kitang sisihin dahil dito?
X=
hindi mo ako masisisi dahil hindi naman kita pinilit na isipin mo ako.

pwede mo ba akong bilhan ng bagong selpown? siguro alam mo na kung sino ako. :D
X=
ako pang load nga wala pati matinong cellphone tapos bibilhan pa kita? haha

anong tanong ang hinde mo masasagot?
X=
mga tanong na magbibigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa akin na maaaring maging daan para masira ang aking anonymous identity.

what is the boundary of being a braggart and confident
X=
di ko alam ang kahulugan ng braggart e. haha. being braggart means that you exhibit self-importance while being confident means that you trust or have faith in yourself.

may pinipiling oras ang pagiging mayabang hindi tulad ng tiwala sa sarili na kailangan laging meron. nalalaman lang naman na mayabang ang isang tao kapag ipinangangalandakan niya sa madlang earth na mas magaling siya at mas may kakayahan sa lahat pero hindi naman kaya mapanindigan. sa huli--puro salita lang ang braggart dahil hindi naman sinasabi na confidence ako! confidence ako! :) haha

Ano mas masarap? Sex o Chocolate?
X=
hindi ako nasasarapan sa chocolate. waaaahaha.

How long have you been blogging?
X=
sa totoo lang, i lost track. haha. yung membership ko dito sa blogger ay since 2005 pero hindi naman ako agad nagblog dito. nauna ako sa blogdrive tapos sa friendster wordpress--unsatisfied napunta ako sa blogger. :)

What inspired you to start a blog and who are your mentors?
X=
naghahanap kasi ako ng OsT ng koreanobelang Fullhouse tapos natalisod ako sa isang blog na hindi ko na maalala ngayon kung ano ang pangalan. habang tumatagal marami akong natatalisod na mga blog sa index at nainggit ako. ayon gumaya ako. wala naman talagang naginspire sa akin pero si bob ong ang tumulak sa akin na magsulat. unang blog na talagang namangha ako noon ay [ito] tapos sinundan [nito] tapos [siya]. hindi ako nagblog para makipagkaibigan o makahanap ng siyota. gusto ko lang talaga busugin ang pagkainggitera ko. haha

Are You trying to make money online, or just doing it for fun?
X=
ok lang kung hindi pero mas maganda kung oo para naman ganahan ako dahil alam ko na may mapapala ako. i am not blogging for fun. i blog to make fun. haha. at bored lang talaga ako sa buhay

Tell me 3 things you LOVE about being online.
X=
(1)tactile at visual learner ako kaya talagang mainam na lugar ang internet para matuto. (2)nakakamangha rin yung mga bagay na pwedeng gawin sa internet na parang lahat posible at (3)higit sa lahat ay nakakakilala ako ng ibat ibang tao na pwedeng makihalubilo sa katarantaduhan ko.

Tell me 3 things you STRUGGLE with in the online world.
X=
struggle? hmm. (1)originality. ano mang gawin kong bonggang moves para maging orihinal nababalewala dahil sa mga pasaway na ibang tao na mahilig mangopya ng ideya. kailangan laging bago. kailangan laging mainit. (2)identity. so far so good naman--lahat naaayon sa gusto ko. malinaw sa akin na magkaiba ang personal na buhay ko sa blogging life at sana sa inyo rin. napapanatili ko na nakahiwalay ang dalawang mundong iyon. hanggat hindi nalalaman at nalalabag ng mga blogista ang pribadong buhay ko magiging matiwasay ang lahat. huwag na sanang magbalak na tumalon ang mga blogista sa pribadong mundo ko dahil walang balak maglipat ang mga kaibigan ko na magblog. (3)flexibility nahihirapan ako na ibalanse ang pagkaEmo ko sa pagiging komedyante sa mga entries ko. nalilito ako sa pagkatao ko. haha. hindi ko alam kung paano maipaparating ang punto ko sa lipunan ng hindi nabubulok ang pagiging kengkoy. pero keri pa naman

When is your favorite place?? Describe without using adjectives.
X=
alam mo ba kung ano ang adjective? naloka ako. ginagamit ang adjective para mailarawan ang noun kaya kung walang noun wala ring adjective. kaya ang gagawin ko ay puro preposition at verb na lang.

here, there, everywhere will and be.

why old are you? how? till where?
X=
why old is me? it is because i am not young anymore when i reached the age 20 and this will be until valenzuela

sinong adik ang nagpapakaadik magtanong ng mga pang-adik na tanong sa isang adik na katulad mo?
X=
yung mga adik na nagaadik adikan sa mga nakakaadik na kaadikan sa kaadik adik na kaadikang ito

why is it like that?
X=
lala, it is like that because it is meant to be. haha.

pano malalamang kung ang isang babae ay virgin pa?
X=
walang ibang paraan kundi ang tanungin mo siya in a politically correct manner. diba?

musta na pagiging nurse, super xienah?
X=
hmm. mas gusto ko magturo. :)

ikaw ata ang liligawan
X=
ikaw na lang kaya ang manligaw kung ganon. haha. hindi naman sinabi ni girlie na ako ang liligawan niya. tsk tsk. i take every question as it is and try not to overanalyze.

what's the essence of being a lesbian?
X=
the essence of being a lesbian is the same as the essence of being a gay. :) haha

what's the essence of being a gay?
X=
the essence of being a gay is to be accepted and to be loved

what's the essence of being a man?
X=
the essence of being a man is to be a moron. joke. haha. the essence of being a man is to provide for his family, to be a good husband to his wife and to be a good father to his children

hulaan mo kung ano ang tanong ko.
X=
lahat ng nakaitalize dito ay mga tanong na galing sa iyo.

Gwapo ba ako? Bakit "OO!" ang sagot mo?
X=
hindi ang sagot ko kaya hindi ko kailangan magpaliwanag. haha.

ako ang nagtanong ng mga"name" questions. Bobo ba ako?
X=
walang taong bobo.

who is your name? why?
X=
my name is a person because i want it to be like that.

pwede ba akong manligaw kahit babae ako?
X=
haha. ikaw manliligaw? actually nasubukan ko ng manligaw ng lalake--hindi maganda. haha. ang maipapayo ko lang sa iyo e ikaw ang gumawa ng first move pero huwag kang manligaw. magpahiwatig ka lang tapos hayaan mo na yung lalake ang manligaw sa iyo.

when is your name?
X=
ang talinong tanong naman nito. :) my name is tomorrows yesterday.

bakit may ads sa taas? magkano ang nakukuha mo diyan, kung meron man?
X=
actually bago pa lang yung ads. hindi ko nga rin alam kung may makukuha ako mula diyan pero sana meron para kahit papaano may mapala naman ako sa pagblog. haha. asteg lang kasi itsura nung ads e. magara tignan.

Bakit gwapo ako?
X=
kaya ka gwapo kasi ang taas ng confidence mo. haha

anak ng pating! pangbyuti queen yung sagot mo ah?!? sa luka-lukang tulad mo again "whats the essence of being a woman" :p
X=
ano ba? haha. seryoso ako sumagot ng tanong. hindi ko kinuha yan mula sa isang sikat na beauty queen. wala namang iba pang pwede isagot sa tanong na ito kundi iyan lang. siguro kung pagaganahin ko ang kalokohan ko ang isasagot ko ay

the essence of being a woman is to make every mans world go wild. weow. haha.

whats the essence of being a woman?
X=
the essence of being a woman is to bear a child and have a family of her own. serve his husband and be a good mother.

sino mas sexy, ikaw o ako. haha. ang chaka ng tanong. :)
X=
sa palagay ko ikaw. tumaba na ako kasi lagi akong nasa bahay. pero kung pagdating sa personality e ibebenta ko naman ang sarili ko sa kategoryang sexy. haha.

ansama
X=
life is unfair. haha.

xienah, kung ikaw ay babaeng bakla, si xienoh ba ang lalakeng tomboy?
X=
natatawa ako sa tanong ito. hahaha. ayaw ko sagutin kasi baka makapanakit ako ng damdamin e. :)pero sa palagay ko naman hindi siya ganyan. ewan ko. haha ayaw naman NIYA o MO na ipangalandakan ang totoo.

how is your name?
X=
anong ibig mong sabihin na 'how is my name?' malabong tanong pero sasagutin ko yan base sa kung ano ang naintindihan ko. my name is alright. :)

nahurt naman ako dun=( sori kung yun lang ang naisip mong ipuna sa kaniya. teka, ano ba yung banlag? haha
X=
aww. nasaktan ka para sa kanya? marami pa akong pwede ipuna sa kanya pero dahil kras mo si toni gonzaga. hindi na lang. :) basahin mo ang tungkol sa pagkabanlag o esotropia |dito|

kung ikaw ay magmumulto, saan o sino ang mumultuhin mo? hehe.
X=
ako dati ang nagtanong nito ah? haha. kung multo ako siguro good spirit naman ako. mumultuhin kita. :) gusto mo yun? haha. pero seryosohan, diba kaya nagmumulto kasi may unfinished business ka? gusto ko multuhin yung mga gumawa sa akin ng mabuti. :) haha. gusto ko rin multuhin si mister E. sasabihin ko sa kanya na kras ko siya at gusto ko lang siguraduhin na ok siya at walang umaaway sa kanya. gusto ko rin multuhin yung mga tao na umaaway sa akin dati para naman makaganti ako sa mga ginawa nila. kapag nagawa ko na siguro yun matatahimik na kaluluwa ko.

pano na ako?
X=
huwag ka magalala lagi naman ako nandito diba? hindi naman ako nawala. ako pa nga dapat ang magtanong sa iyo niyan. ikaw nga yung nangiwan. tsk tsk. ayan. drama. haha.

i love to boogie
X=
ganun ba? edi ayos yan. mahilig ka pala sumayaw.

ano bang sikreto mo?
X=
sa blog ko nandon ang mga sikreto ko. ako mismo isang malaking sikreto sa lahat.

alam ko mali pero mahal na mahal kita sana malaman mo yun. gago ka talaga.
X=
weow. kalma ka lang girl. wahaha

ayoko sayo kasi naglalalimlaliman ka. chaka ever naman. say mo?
X=
ang alam ko naglilimlim ako at hindi naglalalimlaliman. meron bang salitang naglalalimlaliman? kung ayaw mo sa akin ok lang marami pa naman ang may gusto sa akin at hindi ako magaaksaya ng energy ko sa iyo. mas chaka ka. joke lang.

may mga tanong ka na ba na hindi sinagot? tulad ng ano?
X=
sa pagkakaalam ko lahat ng tanong na itinatanong sa akin ay nasasagot ko pero kapag tanong tungkol sa ibang bloggers at relasyon ko sa kanila medyo no comment muna. hahaha.

kung ang puto ba ay may itlog sa ibabaw, ito ay special?
X=
sa palagay ko magiging espesyal ang puto kapag may ice cream sa ibabaw.

if you are the president of the philippines and why...?
X=
i am the president of the philippines because you want me to.

i love to cha-cha
X=
ok lang sa akin ang chacha pero mas gusto ko ang swing.

YOUR ROCK STAR NAME: (first pet & current car)
X=
Salia Toyota

YOUR GANGSTA NAME: (fave ice cream flavor, favorite cookie)
X=
Quadruple C galing sa cheese at chocolate chip cookie

YOUR “FLY Guy/Girl” NAME: (first initial of first name, first three letters of your last name)
X=
X. Dac dahil ang pangalan ko ay Xienah Girl Dacuycuy. haha

YOUR DETECTIVE NAME: (favorite color, favorite animal)
X=
black panda

YOUR SOAP OPERA NAME: (middle name, city where you were born)
X=
Girl Valenzuela

YOUR STAR WARS NAME: (the first 3 letters of your last name, first 2 letters of your first)
X=
DacXi

SUPERHERO NAME (”The” + 2nd favorite color, favorite drink)
X=
The Red One dahil mas gusto ko ang One Drink kaysa C2

NASCAR NAME: (the first names of your grandfathers)
X=
Flaviano Olympio

STRIPPER NAME: (the name of your favorite perfume/cologne/scent, favorite candy)
X=
Flirt Butter Ball galing sa pabango ng penshoppe na flirt at ButterBall na candy

WITNESS PROTECTION NAME: (mother’s & father’s middle names)
X=
hindi ko alam kung ano middle name ni billycoy e. haha

TV WEATHER ANCHOR NAME: (Your 5th grade teacher’s last name, a major city that starts with the same letter)
X=
hindi ko matandaan

SPY NAME/BOND GIRL: (your favorite season/holiday, flowers)
X=
summer tulips

CARTOON NAME: (favorite fruit, article of clothing you’re wearing right now + “ie” or “y”)
X=
starwberry shortie

HIPPY NAME: (What you ate for breakfast, your favorite tree)
X=
bitter coco hindi kasi ako nagbreakfast deretso tanghalian na at ulam namin ay papaitan. haha.

YOUR ROCKSTAR ENTOURAGE NAME: (”The” + Your fave hobby/craft, fave weather element + “Tour”)
X=
the surfing summer tour

YOUR PORN NAME: (First Pet + Name of street you grew up on)
X=
Salia Extention. wahaha

anong iskor ni billycoy sa'yo? nakapasok na ba sa puso?
X=
iskor? hindi naman kami naglalaro ni billycoy para magkaroon siya ng iskor. hindi lang sa puso kundi nasa isip, dugo, lungs, kidney, scalp at skin ko rin siya kasi tatay ko yun. wala akong choice. wahaha. intriga na naman ito panigurado. haha

Sa HEROES. Kasi hindi ako nanonood nung show, so kailangan kong umeksena para... maka-relate ako sa mga nanonood dun. Lol
X=
ah ganon ba? haha. hindi rin kasi ako nanonood nun e. gumawa na lang tayo ng sarili nating eksena. haha.

crush mo si dennis trillo, di ba? handa ka bang magpa-anak sa kanya katulad ni carlene?
X=
oo naman. di na pwede ang choosy at pihikan ngayon. gusto ko sana si john lloyd pero pwede na si dennis pagtiyagaan. haha. sa totoo lang anak lang naman talaga ang gusto ko at hindi asawa. kahit sinong lalake na gwapo pwede na. haha.

Kung eeksena ka sa isang TV show na currently pinapalabas, saan at bakit? :)
X=
magandang tanong ito. :) gusto ko talaga maging parte ng gag show tulad ng bubble gang. pwede kasi akong umaarte sa mga skit na parang natural lang. gusto ko rin maging isa sa mga host ng wowowee. wala lang, parang ang saya kasi ng trabaho kapag host ka doon dahil nakikihalubilo ka sa ibat ibang klase ng tao. ang wowowee kasi parang melting pot ng ibat ibang antas ng lipunan. gusto rin maging kontrabida ako sa teleserye. ako yung kalaban ni kokey. wahaha. kontrabida opposite judy anne santos o bea alonzo kasi ang sarap nila apihin sampalin murahin--sulit. gusto ko rin umeksena sa pbb celebrity edition, gusto ko makausap si bigbrother para sabihin na kras ko siya. wahaha

ang laki pala ng itlog mo kung itlog mo yan, pwedeng makita ng personal?
X=
naku, medyo mahiyain kasi yung itlog ko. nakatago sa bibig ng iba. ayaw magpakita. hahaha.

nasubukan mo na bang umiyak habang tumatawa? :)
X=
oo naman. nasubukan ko na ang umiyak habang tumatawa pati yung tumatawa habang umiiyak.

'i am still to find the hands that perfectly fits the spaces between my fingers.' san mo napulot yan? tsk. tsk. haha
X=
tama bang mangintriga ng mga sinasabi? kamon. haha. actually nabasa ko yung quote na yan tapos pinakalat ko sa text. ako nagkalat ng message na yan sa text. bo0. haha.

prinsesa ng empanada na special
X=
ako naman yung reyna ng mga pusang ipinalaman sa siopao.

kaninong itlog yang logo mo? ;p
X=
akin yang itlog na yan. :)

alam mo ba ang SNRC?
X=
hindi ko alam ang ibig sabihin ng SNRC. marami ang tinutukoy ng acronym na yan e.

bakit empermera? anung koneksyon nun sa malaking itlog mo? :)
X=
ang salitang empermera ay nangangahulugang 'tagapangalaga ng maysakit' o nurse. para sa kapakanan ng lahat, isa po akong rehistradong nurse. wala naman talagang koneksiyon ang pagiging empermera ko sa pagkakaroon ng malaking itlog. siguro mahilig lang talaga ako sa mga may malalaking itlog.

bat ang cute mo?
X=
parang may pagkasarcastic naman ang tanong na ito. haha. hmm. hindi ako cute. hindi ako aware na cute ako. ang alam ko e maganda ako. :)

xienah.. nacurious lang ako.. since ubod ka pala ng ganda. nagkaBoyfriend ka na? kung oo, ilan? hihihi
X=
hindi ko na nga masyado ipinangangalandakan na maganda ako lately. ayaw kong magkalat ng kasinungalingan sa world wide web. haha. sabi ko na nga ba itatanong ito e. nasagot ko na ito dati sa luma kong blog, pero para sa iyo sasagutin ko ulit. hindi pa ako nagkaka bi ep--everr. pero hindi ibig sabihin na hindi pa ako nagkakaroon ng karelasyon ay hindi pa ako nakakaranas magmahal at mahalin. i am still to find the hands that perfectly fits the spaces between my fingers. yakk ang cheesy ko. eew. haha.

whow, c vex na ba ang papalit sa superhero na inaapi? hehe.. ilang taon na sya?
X=
actually hindi siya ang papalit sa akin dahil isasara na ng tuluyan ang parapnasia.

ako si darna! ako ang diyosa. ako ang talang magniningning, sa kalangitan. ako si wonderwoman. ako ang superstar. akin ang sandali--ako ang reyna ng gabi.--- ano po yung title ng kanta na iyan?
X=
time in ni yeng constantino

xienah...mahal ko!
X=
hindi naman tanong yan ah. :)

Bagay ba sila Robert and Saicy?
X=
pwede na.

ayayay! you're back! paise the lord. heheh..anong ginagawa mo?
X=
sa totoo lang--im leaving for good. seryoso. walang halong biro.

sino senador ang 'di mo iboboto?? yung sure na sure ka na iboboto mo?
X=
ang problema--hindi ako rehistrado.

ilang tanong na ba ang natanong sa aiyo dito sa q and a blog mo?
X=
mahigit sa 300 questions

ano ang gusto mong itanong ko sa iyo?
X=
kung ok ba talaga ako kapag sinasabi ko na ok lang ako.

bakit 'di mo ginawang colored ang blog mo?
X=
black and white caters to all. tsaka ang pinakadahilan ko e--mahina ako sa color coordination. tanga ako sa color wheel. ahaha

bulag sicne birth ang tao, ano naman ang mapapanaginipan nila e 'di pa naman nila nakita ang mga bagay-bagay dito sa mundo???
X=
diyan na pumapasok ang imahinasyon. halimbawa ginagamit nila ang kanilang senses para makagawa ng imahe sa utak nila.

Sinong naniniwala na si Weny Valdez ng PBB ay liar at mga fans nya liar din?
X=
naku. ayaw ko kay wendy hindi dahil sa liar siya. kasi ang mga pilipino ayaw ng prangka--ang makarinig ng totoo dahil sa masakit ito para sa damdamin. hindi liar si wendy. more of rude frank pa kamo. ahaha. :)

Nasaan na si Xienah?
X=
nandito lang naman ako. hindi lang muna magpaparamdam

what is the essence of being a woman?
X=
wow. pang miss universe ba ito? hmm. the essence of being a woman is to bear a child and have a family of her own. serve his husband and be a good mother.

Bakit hindi kayo magkamukha ni Vex? o dahil lang yun sa specs na suot niya? hehehe
X=
paano mo naman nasabi na hindi kami magkamukha ni vex? nakita mo na ba ako? hmmm. teka. kung gagawin akong lalake mas gwapo ako kay vex. NAMAN. dios mio. kung gagawing babae si vex mas MAGANDA ako sa kanya. aminado naman siya. :) ahaha. teka. specs? ano yun? wahaha

mag-ingat daw mga nagkakagusto sa iyo sabi ng bro mo... ano ang masarap tilapia o bangus?
X=
oo magingat kayo sa kapatid ko. naku. marunong yun kumilatis ng mga walang kwenta. walang rin kasi siyang kwenta. ahaha. paborito ko kasi talaga tilapia. pero masarap yung inihaw na bangus na may laman yung tiyan na kamatis sibuyas at paminta. sarap. :)

bakit vex ang pangalan ng utol mo? diba bisayang vicks un???
X=
bo0. ang corny. haha. teka. ako ang nagisip nung pangalan ng kapatid ko. VEX. may istorya kasi yun. basta. sikreto. ahaha.

Makakapagtrabaho pa kaya ako sa abroad 'pag BS nursing kukunin ko ngayong pasukan?
X=
oo naman. alam mo ba na by 2010 ay mangangailangan ang United States ng 10,000 nurses? alam mo ba na inimbento ko lang iyon? haha. pero di ka naman mawawalan ng job oppurtunity kapag nursing ang kinuha mo. subukan mo muna dito sa pilipinas--pagsilbihan ang sariling bayan.

nananaginip ba ang mga bulag?
X=
oo naman. anak din naman sila ng diyos. :)

'di mo ata naintindihan yung tanong ko noon. bakit super x at hindi super u/v/w/y/z?
X=
kaya super x kasi ako si super X-ienah. get?

saan ka nakakakuha ng mga cute na smilies n gnmit mo sa iyong tagboard?
X=
kapatid ko na si vex kumuha nun. tanungin mo na lang siya.

mahirap ba ang buhay nurse? upcoming 1st yr. nursing student kasi ako. ano tips mo?
X=
uminom ng maraming vitamin C, magkaroon ng madaming hospital uniform, ayusin ang mga OR at DR cases, bumili ng NANDA, magkaroon ng madaming ink sa printer, bumili ng maraming eye cream at ang pinakamahalaga sa lahat--mahalin mo ang ginagawa mo. :)

bakit kulai brown ang karaniwang kulai ng balikbayan box? :)
X=
sa totoo lang--kahit anong box kulay brown talaga. kaya naging kulay brown kasi recycled pper YATA ang pinagkuhanan. ayun.

sabi ng sidekick mo, 3 years ang agwat nyo, sya ba ay super kuya o super nakababatang utol?
X=
siya ay mortal. hindi ko siya kalevel. ang taray. ahaha. sa kasamaang palad siya ay aking bunsong kapatid. tsk.

ok lang naman maging ambisyoso di ba?
X=
depende sa ambisyon. kung aambisyunin mo na magng siyota ako e ambisyoso ka nga. joke lang. ahaha. tapos biglang babae pala nagtanong nito--saklap. ahaha.

pano manligaw ng iba habang may gf ka
X=
gagawin mo pa akong makasalanan? pero kung talagang gusto mo pwede mo pa rin ligawan. patago nga lang.

masarap bng mging maganda? wahehe...
X=
hindi. madalas kasi nahaharass. tsk. laman ko lang habol nila. ahaha. gusto ko ng maging panget.

Taga-FEU ka daw? IN in particular?
X=
oo--in fairness, napaka particular. ahaha.

ano ba ang mga usong laro sa pilipinas
X=
sa netgaming--gunbound, d0ta. ewan ko na kung ano yung iba.

bakit super x? y at z pala?
X=
ha? labo.

bakit dressed chicken ang tawag sa chicken na tinanggalan na ng balahio?
X=
hindi ko alam. oo nga ano. ireresearch ko yan. :)

mayroon akong nais malaman, maari bang magtanong?
X=
Alam mo bang matagal na kitang iniibig? Matagal na akong naghihintay. :)

asan na ang surplays?
X=
di ko rin alam e. kaya nga sarplays dabah?

good luck sa boards!
X=
tumigil ka nga riyan. :)

AKO PA RIN ANG SASAGOT SA MGA TANONG NINYO.

kaanu-ano mo po si maverick relova?
X=
hindi ko siya kaano ano. bakit mo naman naitanong?

bruha ka!!!
X=
aaaaack. nagparebond na ako ng buhok. paanong naging bruha pa rin ako?

How do you want your kopi?
X=
hindi ako umiinom ng kape.

ok lang ba nilagay kita sa featured list? ang boring kasi ng blog ko. nyaha. blogs like this are very makulay although this is black and white.
X=
oo naman. ok na ok yan. :) basta ba ang nakalagay ay SUPER XIENAH: ang superhero na inaapi. ok? demanding masyado?

nakuha ko naman yung ibig mong sabihin--makulay kahit black and white. salamat

Ano ang tunay na nangyari kay Super Xienah?
X=
naghahanda na kasi ako bumuo ng pamilya. chos! kailangan ko lang muna magpatalino sa ngayon--self empowerment. aaack.

ngayon lang ako nagtanong, nakita ko na pic mo dati pa ah.. kasi dba tayo yung kaunaunahan na nagkakilala nung ikaw ay nagsisimula pa lamang? saka friendster kita.. ahihihi.. :)
X=
shut up yourself ok? ahaha.

masama ba ang paligayahin ang sarili mo? self-pleasure?
X=
hindi. ok lang yan. diba may kasabihan na kailangan mo muna unahin ang sarili mo bago ang iba. pleasure yourself. go.

asan na ung tagboard mo? huh
X=
andito. haha.

mamimiss mo ba kami?
X=
SOo0obra.

bakit ung mga taong nanliligaw sa isang babae, nakakainis? di cla totoo?
X=
ah eh kasi. di ko alam. babae ako e. ako kasi mas naniniwala na dapat friends muna bago karerin. kasi kapag kaibigan mo ang isang tao lahat ng kabalahuraan niyan alam mo na. diba?

pwede yung 100 pesos lang? mahirap lang ako eh :)
X=
bahala ka. diskarte mo na yan. :)

bababa ba ang tingin mo sa isang tao 'pag nalaman mo na bisaya siya? may nararamdam kasi ako na napakababa ng tingin nila sa amin, mga bisaya.
X=
hindi yan totoo. bisaya ako. proud visayan. mataas ang tingin nila sa akin--matangkad kasi ako. wahaha. joke. huwag ka makinig sa sinasabi nila dahil ikaw ang nakakaalam sa mga bagay na kaya mong gawin.

ano yung deus ex machina?
X=
[here]

Super X, kung magkakaroon ka ng pagkakataon na humingi ng regalo sa akin, ano yun at bakit?
X=
sportscar--yung red. wahaha. regalo? naku medyo mahirap ito. pwede na yung bagong computer o kaya naman dvd player--entertainment system. wahaha. pwede ring digital camera o latest cellphone. :)

paano nakita ang pic mo? binigay mo?
X=
ayaw ko ng magbigay ng detalye ukol diyan. basta--may nakakita na, tapos.

miss n kita, miss mo ko?
X=
paprangkahin na kita. ito ang pinakaayaw kong tinatanong sa akin. sorry pero ayaw ko sumagot ng ganyang tanong. :) wahaha. ang taray.

IN FAIRNESS. mga taga ibang bansa na ang suki ko ngayon sa answer box. haha. :)

Sino kaya talaga ang tatay ni eli? Si Bembol kya o si ipe?
X=
haha. garabe. malay ko ba? baka si bembol-kasi may resemblance. alam mo na? yung noo ni john lloyd at bunbunan ni bembol. waahaha

sino naman si philip salvador sa maging sino ka man?
X=
in fairness. magkaiba ip address niyo pero iisa ang tanong niyo--yun nga Deus ex machina siya.

kilala mo ba si wendy valdez ng pbb sa tunay na buhay?
X=
speaking of wendy--hindi ko siya kilala. masyadong madami na ang batch namin para mangealam pa ako sa ibang institute. haha. hindi ko siya kilala pero malamang nadaanan ko na siya na isa sa mga suking nagyoyosi sa may recto o morayta.

bakit alam niya na bagong graduate ka, akala ko walang nakakaalam?
X=
ahaha. mapilit siya. alam mo na--nagresearch. di ko naman mapipigilan ang mga tao na maparaan at maabilidad. diba? tsaka obvious na rin naman kasi pinalabas sa pinoy big brother ang graduation ni wendy. malamang--pareho lang kami ng unibersidad.

So Pwede rin pla ako manligaw kc may brazo de mercedes din ako?
X=
yun ay kung kaya mong bayaran ang air frieght papunta sa amin. gusto ko imported ha. tipong gawa sa ingredients ng ibang bansa. :)

mamamatay ba si travis?
X=
mamaya ko pa lang malalaman.

sino si philip salvador sa maging sino ka man?
X=
hindi ko rin alam. bigla na lang kasi siya sumulpot diba? parang Deus ex machina ang labas niya. ewan.

ngayon ko lang nabasa ang blog mo. surprisingly, natutuwa ako. sobra. question: pwede bang maging stalker mo? anong rquirements? magkano membership?
X=
salamat naman at natuwa ka sa blog mo. oo--pwede ka maging stalker ko basta ba gwapo ka at wala kang kahit anong mental disorder. pwede. wahaha

anung feeling ng bagong graduate?
X=
nakakalungkot--walang kahit isang tuwa akong naramdaman lalo na na may paltos ako sa paa dahil sa sapatos. nyeta. haha.

bakit ba tanong sila ng tanong?
X=
hindi ko rin alam. haha. siguro kapareho ng dahilan mo kung bakit ka rin nagtanong--may gusto ka kasing malaman.

bakit hindi mo ako binati nung birthday ko?
X=
sigurado ka? hmmm. baka kasi hindi ako nakapagonline nung mga panahon na iyon. o di HAPPY BIRTHDAY.

ah... e bakit may insomnia?
X=
sa pagkakaalam ko kaya nagkakainsomnia ay dahil wala siyang regular na oras ng pagtulog.

Parang masarap ka, pwede kabang bilhin?
X=
excuse me. hindi ako binebenta. wahaha. pero in fairness--masarap talaga ako. wahaha.

bakit mainit pag summer?
X=
kahit hindi summer mainit pa rin. andito ka kaya sa pinas. musta ka?

bakit hindi pwedeng magnight swimming sa umaga?
X=
pwede magnight swimming sa umaga. asus. sino nagsabi na hindi pwede?

ano ang ibig sabihin ng palaisipan
X=
dios mio. mamamatay ako ng puro iyan na lang ang itinatanong. haha.

yung tungkol sa lamok, kung pain yung bakit makati hindi masakit?
X=
erase erase erase. :) hindi ko alam, seryoso pala talaga yung tanong tungkol sa lamok. haha, ang dahilan kaya makati ang kagat ng lamok ay dahil sa ipinasok nitong laway sa ating katawan. ang laway na ito ay para maging malabnaw ang dugo para mas madali itong masipsip ng lamok. hindi mo mararamdaman ang unang beses na kagatin ka ng lamok pero sa pagkakataon na ito ay maulit, saka mo pa lang mararamdaman na matapos ang 24na oras na meron ka na palang mga pulang pantal.

pano hindi maging torpe?
X=
naku. dapat kasi sa lalake ka magtanong. ah eh--lahat ng lalake torpe. kahit ang pinakamaangas na lalake natotorpe at dinadaga pa rin ang dibdib. lahat ng lalake tiklop pagdating sa minamahal nila. huwag ka magalala dahil normal lang ang maging torpe. hindi mo maiiwasan iyon.

Sino pa ang hinahanap mo? nandito lang naman ako. mahal kita--ikaw lang at wala ng iba.

sino ka
X=
im xienah, 20, f, single, valenzuela, graduating and oozing with sex appeal. wahaha.

ano bang dapat gawin para maging masipag ang isang tao?
X=
hindi ko alam. sa akin ka pa humingi ng payo e isa rin akong tamad. :)

Alam mo bang kung ano yun
X=
ikaw? alam mo ba kung ano yun?

sino ang iyong kandidato sa darating na election?
X=
nakalimutan ko kasi magrehistro. haha. bad xienah. bad. haha. pero una sa listahan ko si chiz escudero.

Salamat sa kanin! -Culture Shiok?
X=
walang anuman. :)

Mananalo kaya ako sa G-Spot?
X=
kung iboboto kita mananalo ka. :) ikaw talaga. pasaway. akala ko ba nagconcede ka na?

payag ka bang maging querida ni john lloyd?
X=
hindi lang querida--pati sex slave pa kamo. :)

san ka ba nag-aaral??
X=
nasagot ko na ito pero para sa ikabubuti ng lahat ako ay nagaaral sa Fastest Earning University.

bakit kapag kinagat ka ng lamok e makati?
X=
kaya makati kapag kinagat ng lamok dahil sa nabreak ang skin membrane. wahaha. yung pain receptors nadetect nila yun as pain. :)

rakizta ka bah??\m?
X=
hindi ako hard core metal rocker. sapat lang para masabi na may style--sapat lang para maidentify.

kikita ba ako sa aking pagiging manghuhula?

ano ba ang pwedeng gawin ngayung summer?

hmm...teka muna.. kung ikaw ay gawa sa chocolate, anung gagawin mo?

tao ka ba?

5 years nalang. titigil na ang mayan calendar sa 2012, ano kaya ang mangyayari?
X=
ang pinakamainam na gawin ay magaral--magluto, magdrive at iba pa. wahaha. joke. kung gusto mo magsummer camp ka, o kaya naman ay maghibernate ka papunta sa new zealand. bakit hindi ka manghula sa new zealand? :)
-ganun? hindi ok alam yan. siguro uulitin nila yung calendar.
-hahanap ako ng pwedeng kumain sa akin. wahaha.
-isa akong fairy ng mga babaeng bakla.

ako si darna! ako ang diyosa. ako ang talang magniningning, sa kalangitan. ako si wonderwoman. ako ang superstar. akin ang sandali--ako ang reyna ng gabi.

masama bang tumingin sa porn?
X=
hindi masama manood ng porn--ang masama ay ang isabuhay ang porn sa labas ng matrimonya ng kasal. :)

deal or no deal?
X=
noodle! noodle! :)

mzta nmn??
X=
hindi nga ako ok.

sabi nila ay diablo daw ako kasi pumapatol ako sa mga salita ng Christian Humanism teacher namin, totoo ba yun?
X=
ano ba sinasabi ng christian humanism teacher mo?

bakit ba hindi sweet yung gf ko sakin?
X=
atin atin lang ito ha--may gf ka ba talaga? pambihira. baka naman break na kayo kapag nalaman ng gf mo na gf mo siya. haha. joke lang. alam mo--ikaw ang may kasalanan dahil hindi mo alam ang ugali ng gf mo. dapat kilala niyo na ang isat isa. diba? dapat alam mo na hindi siya sweet at naiintindihan mo yun. hindi mo naman siya minahal dahil sa natatanging ugali niyang iyon. minahal mo siya dahil mahal mo siya. kung ayaw mo edi maghiwalay na kayo. simple diba? :)

what is the meaning of meaning?
X=
meaning [here]

napakagaling mo, pwede kaba mag lagay ng 'search' function sa blog mo?
X=
hindi sapat ang 'galing' lang para maglagay ng search bar sa site. mga kreizi people kayo. itype niyo na lang google. pasaway. haha. :)

kamusta naman?
X=
hindi ako ok.

nagbabasa ka ba ng blognimateo?
X=
hindi ko alam kung ano link niya. bakit? ano meron sa blog ni mateo?

sa tingin mo ba si ely o si raimund yung may kasalanan?
X=
hindi ko alam. siguro si ely. di ko nga talaga alam istorya.

alam mo ba kung bakit nagdisband ang eraserheads?
X=
hindi ko alam kung tama--ang dinig ko sa isang gig ng eraserheads parang 'ginago' ni ely yung lyrics. something like that. ewan ko kung totoo.

pag ang isang babae ay nahihiya makipag lambing sa kanyang siyota, anung dapat gawin?
X=
posible ba yan? dapat kung magsiyota na kayo e kumportable na kayo sa isat isa. kung nahihiya yung babae na lambingin ka, malamang problema nga talaga yan. pero dapat respetuhin mo ang gusto niya. ipakita mo na iginagalang mo ang desisyon niya.

kamusta ang Good friday mo?
X=
hindi siya good.

ano ba dapat gawin ng taong iyong pilit na nilalayuan?
X=
magbigay ng panahon para makapagisip.

kamusta naman kayo ni GK?
X=
ewan ko. di ko alam.

Hui, alam mo ba kung bakit, ha? Teka, malamang hindi. Haha
X=
oo alam ko kung bakit. takte ka. akala mo hindi ko alam? wahaha.

nakakainis naman ='(
X=
ganun talaga. wahaha.

paano kaya mamamatay si jasmine?

sa tingin mo ba si travis na lang ang mamamatay, parang "if only"?
X=
sa palagay ko si jasmine lang ang mabubuhay tapos yung buong cast namatay. wahaha. joke lang. teka. mamamatay si jasmine sa sakit sa puso sa kakakain ng produkto ng fastfood chain. korni. wahaha. hindi ko pa napapanood ang if only pero feeling ko rin si travis ang mamamatay sa huli. wala lang.

ano ang magiging reaction mo sa iyong honeymoon?
X=
magandang tanong ito. hmm. nakakahiya. siyempre--medyo mahihiya akong konti. landi. siguro kakabahan na matutuwa na magiinarte na maeL na ewan. pero kailangan gawin ang kailangan gawin--lets get it on! rawr. haha.

salamat sa lahat ng mga naglink dito sa answerbox--di ko alam, may tagasubaybay pala ito. wahaha.

idol mo ba si yeng constantino?
X=
hindi ko siya idolo. magaling siyang kompositor--yun lang yun.

bat ang aga mo matulog ngayon?
X=
pangako--magpupuyat na talaga ako.

ibibigay mo ba ang premyo ko? :)
X=
basta. kulit ng mga taga britanya--be strong. :)

sino ba dun yung jake cuenca?
X=
si jake cuenca ay ang kapatid ni gerald anderson. ginagampanan niya si brandon.

sino yung nasa picture sa YM mo? ^_^
X=
yikee. nasty naman. pati ba naman yun iniintriga din? ang picture ko sa ym ay ang kras ko--malamang. alangan namang ilagay ko yung litrato ng kagalit ko doon diba?

sa tingin mo ba ginagawa lang alila at sugardaddy ni jasmine si travis?
X=
si travis nagmumukha ng tanga doon. ganun naman kapag nagmamahal--nagmumukhang tanga. kahit maalila ka pa, gagawin mo lahat para sa tao na tanging nagpapasaya sa iyo. naniniwala ka ba na magagawa ng mga freaking highschool students yun? hindi realistic.

nanonood ka rin ba ng sana maulit muli?
X=
oo. andon kasi si jake cuenca. kras ko yun e. :)

malapit ka na ba magpakita? eh magparinig?
X=
ang daya!

yung matapang at may pagka philosopher
X=
ano meron sa matapang na may pagka philosopher?

ilang taon ka na?
X=
20 years old

so how big is your dick?
X=
i dont know. i dont have one. :)

sabi ni gk nililigawan kadaw nya kaso binasted mo sya...
X=
pwede ba? wala akong binabasted na kahit sino. dios mio. hindi ko siya binasted.

ano ang bitter
X=
e di mapakla.

paano mo malalaman kung type ka ng babae?
X=
ako kasi kapag type ko ang isang lalake hindi nila nalalaman--clueless sila. wahaha. siguro kung type ka ng babae pinapansin ka niya. ine entertain ka niya. ganun. gumagawa siya ng paraan para makasama o makausap ka man lang. may effort. mutual.

bakit gising ka pa?
X=
kasi hindi pa ako tulog. adik ka. ikaw ang dahilan kaya ako ay gising pa. :)

mag-aabroad ka ba para magtarabaho?
X=
napakarami ko pang panahon para pagisipan iyan. hindi ko talaga alam dahil masyado pang maaga para sa ganyang desisyon.

ayoko rin kay SAM MILBY, gusto mo bang makipagtulungan sa'kin para mawala na siya? :) joke lang
X=
wag na. dios mio. ang mga taong tulad niya ay hindi pinagaaksayahan ng effort. hayaan na lang natin siya--baka magfeeling importante pa. :)

bat nagtatanong ka din? sagot ka lang dapat diba?
X=
di ako nagtatanong. kumakanta ako--linya yan mula sa aking kinahuhumalingan na kanta.

dapat ba sa isang mortal ang sa iyo ay magmahal?

di nman ako masamang tao =)
X=
lahat ng tao likas na mabuti.

suki na nga ako eh.. mukhang nakaka-aliw kang kausap.. pwede bang malamang ang kahit anung IM mo? yahoo? hehehe
X=
may bayrus ang ym ko e.

konting pilit pa? ilan pa? para lam ko.. haha
X=
makukumbinsi mo ako kung mapapadalhan mo ako ng tshirt ng wowowee. haha.

uu nga eh. pwede bang wag magtanong?
X=
pwedeng hindi magtanong. kahit magkomento ka na lang. :) pero hindi mabubuhay itong question box kung walang magtatanong.

karapat-dapat ba talagang bumalik yung character ni jb? e hindi naman marunong umarte si sam
X=
sa totoo lang, hindi ko talaga gusto si SAM MILBY SAM MILBY SAM MILBY SAM MILBY. ayaw ko sa kanya--pagtiyagaan na lang natin.

sang ayon ka ba na ang tatay ni eli ay si bembol roco?
X=
ok lang. peborit ko rin naman si bembol roco. may magagawa ba ako kung siya yung tatay ni eli. :)

kilala mo si mau ng pilipin idol?
X=
si mau mau de carabao? haha. hindi ko siya kilala ng personal at nakikita ko lang siya sa telebisyon. bakit mo naitanong?

sino yung napupusuan mong pakitaan ng picture mo?
X=
hindi ko pa nasasabi sa kanya, hinahanapan ko pa ng timing. kailangan niya muna kasi mangako sa akin na hindi kakalat sa internet ang mukha ko. :)

bakit hindi mejo bastos ang tipo mong lalake?
X=
swear. napapadalas ka talaga dito. :) ok lang naman na medyo bastos ang lalake pero wag naman yung balahurang bastos na ang sarap paluin ng dos por dos na may pako ang bibig niya. ayos lang sa akin basta nakakatawang bastos at hindi nakakaoffend na bastos. :)

AMPFTH. haha. mga loko loko kayo. wala na bang mas nakakabaliw at mas personal na tanong?

ano ang tipo mong lalake
X=
akala ko wala ng magtatanong nito. sayang. gagawa pa naman ako ng entry tungkol dito. hmm. mahabang paliwanagan ito. :)

basta mukhang mabango, malinis, masarap kagatin, yakapin at pangigilan. haha.

seryoso. mahirap ipaliwanag.

ang tipo kong lalake ay dapat 'mas' nakahihigit sa akin. mas matalino, mas magaling, mas makulit, mas madaldal, mas matapang--gusto ko yung kaya akong paikutin. kaya akong kontrolin--isang sabi lang mapapasunod na ako. ganun. haha. :)

napapadalas ba? nakaka-aliw eh mas mabilis sumagot tong Q&A kaysa sa mga customer service
X=
ayos. haha.

anong nakakairita sa mga ungas?
X=
ayan. nakakairita yan. :) haha. hindi ko kasi nakakasundo ang mga ungas kaya ganun.

ganun? tsk tsk ='(
X=
konting pilit pa, baka magpakita rin ako ng picture sa iyo. :) hindi naman ako magandang maganda--sa pagkakaalam ko walang beauty contest winner ang blogista rin. haha. :)

ang tanga nung paraan ng suicide ni manong oca no?
X=
hindi ko napanood yung eksaktong paraan ng pagkamatay niya--kasabay kasi nun ang greys anatomy, which is di ko rin napanood dahil may katextmate ako. wahaha. nagpakalunod ba siya sa ilog? sana man lang sa tullahan river--atleast justifiable ang pagkamatay. :)

natatae ka ba?
X=
oo, natatae ako pero pipigilin ko muna. wahaha. kagaguhan.

pano yan wala kong pera? pic nlang!
X=
may napusuan na kasi ako na pagpapakitaan ko ng picture--wala kasi siyang sakit sa puso. :) ano naman ang mabuting maidudulot ng pagpapakita ko sa iyo ng picture? haha. ikaw talaga. tiket na nga lang--hindi kasi ako photogenic e.

ano bang problema ni mang oca?
X=
hindi ko alam--hindi kasi kami close. text ko na lang siya later. haha. ang alam ko kasi naghihiganti siya sa ginawa ni fidel kaya dinadawit niya ngayon si jackie at eli sa paghihiganti.

napapadalas ang tambay ng mga taga britanya sa site.

sakin ka na lang magpakita, pwede?
X=
aba. padalhan mo ako ng tiket para makapunta ako sa great britain. :)

bakit namatay si bryan sa maging sino ka man?
X=
nung pumasok yung character ni bryan--alam ko na mamamatay talaga siya. kasi malamang--magkalove team si celine at jb. kaya namatay si bryan dahil sinubukan niyang iligtas sina jackie at celine mula sa masasamang balak ni manong oca. kailangan niyang mamatay para maredeem ang character ni jb.

will you ever show the face behind super xienah?
X=
sa totoo lang marami na ang nakakita sa akin sa picture. pero wag kayong magalala dahil magpapakita ULIT ako sa isang blogista na pwedeng mapagkatiwalaan tapos sa kanya na kayo magtanong kung ano itsura ko.

sino si ninong? sino si gk? hmmm
X=
hindi ko sila kilala ng personal kaya hindi ko masasagot yang tanong mo.

if you can die tomorrow, why not today?
X=
its because today is tomorrows yesterday. haha.

what is the antidote for phosphorus poisoning?
X=
ang mga Aluminum-containing antacids at aluminum hydroxide gel ay hindi mga antidote pero nakakatulong sila na magpababa ng phosphorus sa katawan.

pano pag akala nyong dalawa mahal nyo ang isa't isa yun pala bilang magkapatid lang pagmamahalan nyo
X=
at paano mo naman nalaman na bilang magkapatid lang pala pagmamahalan niyo? hindi ba ok lang naman yung ganoong klase ng pagmamahalan?

madami kabang manliligaw??? isa ba si gk don?
X=
kinikilabutan naman ako sa tanong na ito. :) wala akong manliligaw kasi hindi ako nagpapaligaw. kung hindi ako nagpapaligaw hindi ko manliligaw si gk.

ano ang pinakakinakatakot mo?
X=
sinasabi ko lagi na gusto ko ang mapagisa--na kaya ko ang lahat ng bagay kahit magisa lang ako. ang kinakatakot ko ay ang maniwala ang mga taong mahal ko sa sinasabi ko at iwan nila akong nagiisa.

Bakit "No to UNGAS"? Galit ka ba sa mga Ungas?
X=
hindi naman ako GALIT sa mga ungas. nakakairita lang ang mga ungas.

ano ang dahilan ng bangungot?
X=
nasagot ko na ito dati. wag kang pasaway.

ano ang tsismis
X=
ewan ko.

cute ka ba?
X=
hindi ako cute pero maganda ako. magkaiba kasi ang cute at ang maganda.

pano ka naging super?
X=
gusto ko lang maiba. yun lang.

nanonood ka ba ng maging sino ka man?
X=
PEBORIT KO YAN. waaaah--andon kasi si john lloyd cruz at smokey manaloto.

Hindi ko alam kung sino ang mahal ko, paano yan?
X=
hindi lahat ng katanungan ay mabilis mong mahahanapan ng sagot. antayin mo lang ang tamang panahon--malalaman mo rin ang totoo mong nararamdaman. huwag kang magmadali.

ano ang cellphone number mo?
X=
ibigay mo na lang sa akin ang pangalan mo at number mo. ako na bahala magtext sa iyo. :)

ano pagkakaiba ng iba sa pagkakapareho ng iba?
X=
pareho silang walang pinagkaiba.

anung masasabi mo kay ninong? type mo ba cia?
X=
pambihira. ako at si ninong? bago yun. si ninong? ngayon ko lang naman siya naengkwentro kasi nagpaligaw ako sa kanya. hayun nagligawan kami sa isat isa. :) go ninong!

Sino ang dapat piliin? Ang nauna at mahal mo pero hindi ka sigurado, o ang kadadating palang ngunit tila mahal mo na din?
X=
pagdating sa pagibig, hindi naman talaga mahalaga kung gaano katagal ang panahon na ginugol mo sa isang tao. ang mas binibigyang pansin ay yung nadarama mo. kung sino talaga ang mahal mo siya ang piliin mo

kilala mo daw ba si jurenchi paraan?
X=
wala akong kilalang jurenchi paraan.

mahilig ka bang magbasa ng mga novels
X=
isa yan sa mga kahinaan ko--hindi ako mahilig magbasa. nobela man yan o komiks hindi talaga uubra sa akin yan. tactile learner kasi ako.

anong paborito mong palabas sa telebisyon?
X=
paborito kong palabas sa tv? naku--sobrang dami. tingnan mo na lang sa friendster ko

bitter ka?
X=
bitter ako sa mga ganyang tanong. saan naman ako bitter? sa puntong ito ng buhay ko iyan ang pinakahuling dapat na maramdaman ko.

buod ng bata bata paano ka ginawa?
X=
ayokong sagutin. tsssss. ang kulit. end of school year na yan pa rin tinatanong mo.

pano mo nalaman? galing ah
X=
paano ko nalaman ang ano?

kapag wala kang ginagawa,anong ginagawa mo?
X=
kapag wala akong ginagawa nanonood lang ako ng tv. kapag hindi ako nakuntento sa mga palabas sa telebisyon, magreregister ako para makapagunlimited text sa mga kaibigan ko. kung wala akong load magiinternet na lang ako. kung wala akong card hihiga ako sa kama at papaganahin ko imahinasyon ko. kung napagod ako sa kapapanaginip ng gising kakausapin ko sarili ko. kung maraming tao magpapacute na lang ako. haha.

is it bad to love with the same gender(boy to boy)
X=
moralidad na kasi ang pinaguusapan. aww. para sa akin kung pagbabatayan ang moralidad masama talaga ang same sex relationship.

what would you do if you really like someone but the two of you could never be together?
X=
wohohoy. ano ito? long distance love affair? you and me against the world? ako ang ginagawa ko--umasa. masama ang umasa pero yun lang ang tanging paraan para mabuhay ang pagmamahal mo para sa kanya. pero hindi dapat umasa dahil masasaktan ka lang. kung ako sa iyo kalimutan mo na lang siya. sayang ang mga panahon na dapat masaya ka.

anong paborito mong pagkain?
X=
lahat kinakain ko except sa dinuguan at raisins. mahilig kasi ako kumain kaya marami akong paboritong pagkain: kare kare, kalderetang kambing, nilagang baka at instant noodles. mahilig din ako sa mga pagkain na may patatas except sa hush brown. :) weird ano? hindi rin ako umiinom ng soft drinks at mahilig ako sa pineapple juice.

kelan nyo balak magita ni gk?
X=
hindi ko alam. hindi ko pa iniisip yan. hindi ko prayoridad yan sa ngayon.

paraan ng pagbabawas ng timbang
X=
EXERCISE AT DISIPLINA.

bakit mararap ang kremil-S? type mo ba si gk?
have you ever been touched? (emotionally, socially, physically...)
dapat ba akong mag-med?
X=
ok ka ha? ayaw mo masyado magtanong? suki ka na ng question box ko.
-masarap ang kremil s? naku. drug abuse na yan.
-bakit mo tinatanong kung type ko si gk? hindi ko pa siya nakikita ng personal para masabi ko kung type ko talaga siya. hindi ba parang unfair para sa akin yang tanong na iyan?
-have i ever been touched? labo pa rin e.
-kung ano ang nasa puso mo sundin mo. dapat sarili mo ang tinatanong mo niyang tanong na iyan dahil ikaw lang ang makakasagot kung magdodoktor ka.

Pwede ka bang textmate?
X=
pasensiya na pero hindi kasi ako nakikipagtextmate.

alin ang mas masakit? in-grown sa paa o in-grown sa kamay?
X=
mas masakit ang ingrown sa paa. bakit? nagsasapatos ka ba sa kamay? :)

how can you help me help you?
X=
id rather help myself than ask help from anyone. do i look like someone whos nearing to take death as an entertainment?

mahal ba ko ni napoleon
X=
bakit kaya hindi mo siya tanungin?

tao ka ba
X=
diyosa ako ng mga babaeng bakla.

kung bibigyan ka ng isang kapangyarihan, anung kapangyarihan ang nais mo at bakit?
X=
kung bibigyan ako ng kapangyarihan gusto ko yung kaya ko kontrolin ang kilos ng isang tao. kokontrolin ko sila para lumayo sa akin--lapit kasi ng lapit e. :)

ano ang paborito mong kulay?
X=
naniniwala kasi ako na red is a modern black.

would you go out with me?
X=
how can i go out with you if your abroad? willing ka bang padalhan ako ng tiket at pagawan ako ng visa? :)

sino si bob ong?
X=
si bob ong ay isa sa mga tanyag na manunulat sa pilipinas ngayon.

ano ang buos ng bata bata pano ka ginawa
X=
ano ba? isa ka pa? :)

kaugnay na pag-aaral tungkol sa pakikipagtextmate
X=
pasensiya na dahil hindi ako gumawa ng pagaaral ukol sa pakikipagtextmate. hindi kita matutulungan sa tanong na iyan.

have you ever been touched?
X=
touched? paanong touched? medyo malawak ang konteksto ng nasabi mong salita. maaari ka bang maging partikular sa iyong pagtutukoy?

ano ang ibig sabihin ng tsismis
X=
ano ba? :)

in your opinion, why?
X=
its because--yes.

uso pa ba ang ckicklet?
X=
oo naman uso pa ang chicklet. sa pagkakaalam ko may binebenta pang chicklet sa paborito kong tindahan sa may R. Papa. :)

alin ang mas mabaho, putok sa kili-kili o pawisang paang nakulob sa sapatos?
X=
base sa karanasan ko mas mabaho talaga yung pawisang paa na nakulob sa sapatos. seryoso. kasi yung paa mas matagal na nakukulob kaya mas madaming mikrobyo na magkakaroon ng mas malakas na amoy pero ang kilikili maya maya naitataas kaya nakasisingaw.

paano gumawa ng maikling kwento?

buod ng bata bata paano ka ginawa
X=
MAGSAMA KAYA KAYONG DALAWA?

bakit maraming bakla
X=
siguro dahil maraming gwapong lalake. :) ang wirdo nga diba? hindi naman sila nanganganak pero dumadami sila. marami kasing factors na nakakaapekto sa sekswalidad ng isang tao at isa sa mga pinakamatinding impluwensiya ay ang media.

di ba kapag natusok ng karayom sa mata habang buhay na ring bulag... kung ang nanloko din ang tumusok ng karayom sa mata, alin na ang masakit?
X=
basta mas masakit pa rin ang lokohin ka ng minamahal mo. pero kapag yung taong nanloko sa iyo ang tumusok ng karayom sa mata mo, doble na. pisikal at emosyon ang apektado--loser ka na nun. :)

ano nga ba ang kahulugan ng gamot?
X=
punta ka na lang [dito]

bakit ang mga babae mahirap mahuli, lakas pang mambasted?
X=
uhumm :) parang ang pakla mo boy :) halimbawa ako, kaya mahirap akong mapasagot kasi hindi pa ako sigurado kung talagang mahal ko nga yung lalake. hindi naman kasi maganda yung sasagutin ka lang dahil sa awa--sabi nga ni amor sa pelikulang you got me "minsan kapos pa rin ang mahal kita lang..." may kulang pa sa ginagawa niyo na pwede pang ilebel ap para makumbinsi kami. get it? labo. kaya malakas mambasted ang mga babae kasi karapatan namin yun. :) haha. joke lang. kasi parang ang daming hirap na ng mga lalake tapos nabalewala lang sa isang malupit na 'HINDI.' para sa akin hindi naman talaga kayo nasaktan sa akto ng pambabasted kung hindi dahil sa nanghinayang kayo sa hirap at pagod niyo na napunta lang sa wala.

dahil takot kami sa mga kagaya mo, mukhang papatay ng mga lalakeng mag tatangka. wakekekeke
X=
sa totoo lang marami talaga nahihiya at natatakot sa akin na lalake kasi medyo--medyo lang naman--angat DAW ako sa kanila. ganun ang akala nila pero kapag nakilala na nila ako, saka nila masasabi na nagkamali pala sila. teka. hindi naman ako mukhang papatay, mukha lang manggagahasa. :)

1+1
X=
sandali lang--

1+1=x
2=x

checking:
1+1=x
1+1=2
2=2

ano ang paborito mo?
X=
paboritong ano? marami akong paborito. pwede ka bang maging specific?

ano ba ang mga gammot sa ubo..ty^^
X=
hindi kasi ako doktor kaya hindi kita pwede resitahan. pero mas makakabuti kung iinom ka ng maraming tubig para yung plema matigil sa paninikit sa lalamunan. yun kasi ang dahilan ng ubo. :)pero kung talagang makulit ka edi uminom ka ng solmux. haha.

mahirap b maging nars
X=
sobrang hirap maging nurse lalo na kung hindi mo gusto ang ginagawa mo. mahirap ang maging nurse dahil nakasalalay sa kamay mo ang buhay ng pasyente. buhay na kasi ang pinaguusapan dito--buhay ng tao. hindi naman talaga doktor ang nagaalaga sa mga pasyente kung hindi ang mga nurse.

pano ba tumambling?
X=
ay. kailangan natin ng one on one diyan. :) kapag nakita mo ako kahit di ka marunong tumambling mapapatambling ka. :)

bakit ang mga lalaki ang totorpe...tapos laging papansin???
X=
parang kilala kita. :) ang lalake kaya torpe kasi nahihiya sila na baka matapakan ang EGO nila kapag tinanggihan ng babae--na baka magmukha lang silang tanga. kaya naman laging papansin ay dahil sa gusto niya na maging malapit doon sa babae na gusto niya--o di kaya naman ay pangit siya kaya magpapapansin na lang siya. :) haha.

pwede ma add ka sa friendster?
X=
pasensiya na dahil hindi ako naga-add ng blogista sa friendster.

paano mo ginawa tong answer portion?galing!
X=
punta ka na lang [dito]

san ka nagaaral?
X=
sa Fastest Earning University.

Alin ang masakit, lokohin ng minamahal o ang matusok ng karayom sa mata?
X=
mas masakit ang lokohin ng minamahal mo kaysa sa tusukin ng karayom sa mata. siyempre ang sugat ng damdamin ay mas matagal humilom kaya mas matagal mo mararamdaman ang sakit.

aspetong sosyal ng artista sa pulitika
X=
lamang ang mga artista pagdating sa aspetong sosyal sa pulitika. malaki ang maitutulong ng kasikatan sa kanilang pangangampanya dahil sa kilala na sila ng mga tao.

ikaw ba'y tanga?
X=
hindi ako tanga. masasabi ko na above average ang IQ ko. very educable and trainable.

pwede ba ang artista sa pulitika
X=
pwede naman ang artista sa politika basta meron siya ng mga requirements ng pagiging political leader at alam niya kung ano ang trabaho na dapat niyang unahin.

ANO ANG PALAISIPAN
X=
kung sino ka.

paano gumawa ng blog na katulad nung sa iyo? I badly want a beautiful lay-out!!
X=
subukan mo [DITO]

kailangan pa bang mag retake ang cgfns?
X=
kailangan talaga magkaroon ng retake ng cgfns para maiangat ang kalidad ng kursong nursing sa bansa. kung hindi nila ito agarang maaagapan, magkakaroon ng problema ang mga susunod na kukuha ng exams--ang batch namin.

Why do prices end in .99?
X=
kaya nagtatapos ang mga presyo sa halagang 99centavos ay dahil para ipaalam sa mga mamimili na mababa ang presyo nila kahit isang sentimo lang.

pagkakaiba ng bata bata pano ka ginawa sa libro at pelikula
X=
seryoso ka?

hindi pala ako ang prinsipe...pft! hahaha
X=
ano ba? nakakaloka--lover kasi kita. :)

ano ang ibig sabihin ng palaisipan
X=
yung mismong ginagawa mo--ito--ayan--yun 0h, kuha mo? toink.

Bakit ang sungit mo ngayon? Meron ka ba?
X=
wala ako ngayon--tuwing huling linggo ng buwan pa ako nagkakaroon. :) sorry naman at nakalimutan ko maglagay ng smiley. :) :) :) ayan ang dami na.

Si GK ba ang tinutukoy mo na Prinsipe na iyo nang natagpuan?
X=
hindi siya ang tinutukoy kong prinsipe.

bakit po ang galing ninyo?
X=
magaling ako sa pagmamagaling. :) pwede ka bang maging partikular sa kung saan ako magaling? medyo kinakabahan kasi ako baka magkaiba pala tayo ng tinutukoy.

bilang isang nars, sa tingin mo ba tama ang naging desisyong ng CGFNS sa hindi pag-issue ng visa sa mga 2006 board passers?
X=
sa simula palang sang ayon na talaga ako sa retake ng exams. dahil sa nangyaring yan naaapektuhan kami--yung susunod na batch na kukuha ng exams. kung wala kang kasalanan wala namang mawawala kung magretake ng exams diba? tama ang desisyon ng CGFNS na hindi bigyan ng visa ang mga hindi nakapagretake para mapanatili ang kalidad ng nursing at para maprotekatahan na rin ang mga tao na maaari nilang maging pasyente sa ibang bansa. tama lang iyon.

sino ba si gk! link nga sa blog nian?
X=
nasagot ko na dati dito kung sino si gk. ikaw na bahala humanap sa links ko.

ano ang ibig sabihin ng sunburn
X=
tungkol sa sunburn [dito]

miss x... namimis kana daw ni gk...
X=
talaga? pinapasabi ba niya talaga yan o ikaw si gk? :) miss na kita gk.

anong gagawin mo kapag gaya gaya ang kalaban mo sa eleksyon?
X=
paano mo naman nasabi na gaya gaya ang kalaban mo? alam mo naman sa eleksiyon--pare pareho lang naman ang sinasabi at ginagawa para makakuha ng boto. sa palagay mo ano pinagkaiba mo sa ibang kumakandidato? at kapag nalaman mo na ang pinagkaiba mo--gawin mo itong sandata mo.

kung kunyari tumakbo ka sa eleksyon sa skul, tapos natalo ka, anong gagawin mo? ^_^
X=
kung tumakbo ako at natalo sa eleksiyon siguro ang pinakamainam na gawin ay tanggapin ang aking pagkatalo. may natatalo, may nananalo pero imbes na magalit ka--gumawa ka ng paraan para makatulong. malay mo, sa susunod na eleksiyon manalo ka na dahil sa mga nagawa mo para sa iba.

Saan ka madalas tumambay sa campus? Paano kita makikita?
X=
noon, madalas ako tumambay sa chapel. joke lang. sa pavillion--student's area, tayuman at freedom park. pero sa totoo lang wala akong pagkakataon na tumambay sa campus kasi buong araw--10oras, nasa loob lang kami ng classroom. makikita mo ako sa pamamagitan ng aking tigger na bag at gumagala sa morayta tuwing huwebes.

anong nursing school ang pwede mo irekomenda sa aken?magshift kasi ako sa nursing
X=
depende kung ano ang binibigyan mo ng halaga--lugar o matrikula. siyempre irerekomenda ko ang mga prestihiyosong unibersidad tulad ng UPManila at UST, pero nasa iyo pa rin ang huling desisyon.

anong ibig sabihin ng Mischelle?
X=
nagmula ang mischelle sa pangalang michelle kung saan ang ibig sabihin ay 'who is like god'.

buod ng bata bata panu ka ginawa
X=
inererekomenda ko na panoorin mo na lamang ang pelikula kaysa ibigay ko sa iyo ang mismong buod.

anong ibig sabihin ng buod
X=
bakit ka ba tanong ng tanong tungkol sa buod? hindi ba itinuro sa inyo yan ng Filipino teacher niyo? imbis na magtanong ka e simulan mo ng basahin ang pinababasa sa iyo. tsk tsk tsk.

sinong prinsipe ba ang gusto mo?
X=
biro lang yun. wag mo na akong ihanap dahil matagal ko na siyang nakita.

huh?
X=
Oo. :)

ano ang mainam na pampapayat, gamot ba o ehersisyo?
X=
bilang isang nars, mas sumasangayon ako sa pageehersisyo para sa mainam na pagpapayat. ang pageehersisyo walang kahit anong masamang epekto sa katawan, pero ang mga artipisyal na paraan tulad ng gamot ay maaaring magdulot ng mga komplikasyon kapag tumagal na ginagamit.

ano ang tsismis
X=
umulit na rin ang tanong na ito--ang tsismis ay mga gawa gawang balita ng mga walang magawa sa buhay. ang mga tsismis ay walang pawang katotohanan.

ano ang masasabi mo sinabi ng iba na pero hindi mo sinabi?
X=
ano ba ang pinagsasasabi mo? :)

naniniwala ka ba sa mga naiisip mo?
X=
ano? pagmumukhain mo akong may problema sa pagiisip kapag sinagot ko yang tanong mo. seryoso ka? hindi naman ako nabubuhay sa pantasya. ang labo. lucid pa naman ako.

super x, if a picture paints a thousand words, then why can't i paint you?
X=
it is because you are not a painter and i am not a word. corny. :)

posible bang magkaroon ng "malinis" na pulitika?
X=
napipilitan akong maging politically aware dahil sa mga ganitong tanong. tsk. para sa akin 'walang malinis' sa pulitka kasi parang sinabi mo na rin na perpekto ang mundo. ang pulitika tulad din yan ng banyo--lahat pwedeng makapasok at makapagiwan ng dumi.

dahil eleksyon na heto ang katanungan ko, papanoorin mo ba yung the 300?
X=
hindi kasi ako mahilig sa mga ganyang pelikula--depende kung ikaw kasama. yiki. :) haha.

tatay mo ba si BOB ONG?
X=
una--hindi ako intsik. pangalawa--masyado pang bata si bob ong para magkaroon ng 20 year old na anak. kung halimbawang anak ako ni bob ong, ang swerte naman niya pero malamang itakwil niya ako. kasiraan ako sa angkan ng mga Ong. bakit mo naman naitanong kung tatay ko si bob ong? mabuti na lang at hindi mo ako napagkamalan na si bob ong. :)

Paano mo nalaman na taga Great Britain ako? =D
X=
matalas ang pangamoy ko sa euro. :) joke lang. teka. friends naman tayo diba? baka naman pwede mo akong padalhan ng prinsipe mula diyan?

miss naba ni xienah si gk?
X=
hindi ko siya nami miss. araw arawin ba naman ako itext? :) bakit mo naman tinatanong kung miss ko na ba siya? selos ka?

paanoi gumawa ng buod ng kwento
X=
nasagot ko na ang tanong na ito. uulitin ko na lang--bibigyan kita ng madaling paraan kung paano makakagawa ng buod. ang gawin mo basahin mo ang unang 3 pangungusap ng bawat paragraph at makakabuo ka ng buod.

Kung ikaw ay ako at ako ay ikaw, paano tayo magiging tayo?
X=
uuy. doble ang kahulugan ng tanong na ito. kung ibibigay natin ang sarili natin sa isat isa, magiging tayo.

ano ang mga dahilan ng bangungot
X=
tingin ka na lang [DITO]. ang hirap magpaliwanag.

If you were a cactus, why?
X=
its because you want me to. pambihira.

panu maglagay ng pic sa adress bar>> ung parang logo :)
X=
naiinggit. haha. punta ka na lang [DITO]

Kung boksingero ka, anong weight class mo? hehe
X=
bakit naman boksingero? pwede naman na round girl na lang diba? kailangan ko pa tuloy mag google dahil sa tanong mo. ayon sa international boxing association, bantamweight ang aking weight class.

Ako yung nagtanong if we can be friends. Sure ka na ba? Final answer?
X=
teka. kung makapagtanong ka naman parang ikapapahamak ko ang pakikipagkaibigan sa iyo. basta ba mga taga great britain gusto ko maging friends yan. haha. sure na ako--friends lang naman diba? walang masama maging magkaibigan.

ok lang ba sayo tumakbo ang mga artista sa pulitika?
X=
sa totoo lang hindi talaga ok sa akin ang pagtakbo ng mga artista sa pulitika. kung idadahilan nila na gusto nilang tumulong sa kapwa nila--Fine, magagawa nilang tumulong kahit ordinaryong mamamayan lang sila ng pilipinas. pero kung meron silang background sa politika at meron sapat na requirements para maging isang pulitiko ayos lang. basta ba unahin nila ang bayan kaysa sa kanilang nasimulang karera.

Ang cool mo. Can we be Friends?
X=
salamat sa papuri. oo naman pwede tayong maging magkaibigan. hindi naman ako namimili sa mga kakaibiganin ko.

tingin mo, bakit may umaaway sa iyo? (insecured siguro sila, hehe)
X=
hindi ko na nga sinabi yan para wala na lang gulo. hindi naman siguro siya insecure--concern lang sa akin. o ayan, pinagtanggol ko pa yung umaaway sa akin. nagpasalamat pa nga ako sa kanya kasi binigyan niya ako ng payo na be humble. sana lang she practices what she preach.

bakit ko nasabing mayabang ka? pinagkakalat mo kasing maganda ka. ako nga sinisikreto ko lang pagiging maganda ko eh. be humble. hindi mo kailangan ipangalandakan na maganda ka kasi MAGANDA AKO.
X=
ang pakla mo girl. JOKE LANG! kilala mo ba ako ng personal para husgahan ako? e daig mo pa yung mga totoong nakakakilala sa akin kung makapagbitaw ka ng salita. ayaw mo na ipangalandakan ko na maganda ako pero ikaw pwede? ok. para matapos na ito--MAS MAGANDA ka sa akin kaso nga lang sinabi mo na sikreto lang ang pagiging maganda mo. sayang naman. hindi ako hihingi ng kapatawaran dahil wala naman akong ginawang masama pero susundin ko ang payo mo. salamat.

ano bang pwedeng kong gawin na magugustuhan mo?
X=
sa totoo lang hindi ko rin alam ang gusto ko. bilib na ako sa iyo kapag nakagawa ka ng bagay na gusto ko. mahirap kasi ako mapabilib at mapasaya.

sino ako? hulaan mo...
X=
rH0 haha. kala mo di kita mahuhulaan mare. :)

Bakit palagi kang natsitsismis sa bloggers? Hmm. Si GK at Neil. Teka, sino ba talaga Ms. X?
X=
sino ba yang mga mosang na yan? kayo naman kasi tanong ng tanong ng mga personal na bagay ng buhay ko kaya yan tuloy na tsitsismis ako. ipapahamak talaga ako ng question box na ito. hayaan mo na silang mga tsismosa--masyado silang naaapektuhan ng buhay ko, samantalang hindi naman ako naaapektuhan ng buhay nila. :)

ano ang ginagawa mo nung feb. 14, 2001?
X=
2001? as in two thousand one? highschool ako nito. exams yata namin--usually ganitong araw natatapat ang exams namin. tumatanggi akong lumabas kapag may nagaaya sa akin lalo na kung february 14 kasi nga meron kaming exams pre and post valentines. malamang wala akong kasamang lalake nitong mga panahong ito kasi i studied in a catholic exclusive for girls school.

bakit tanong din ang sinagot mo dun sa tanong? pambihira
X=
ok sasagutin ko na yung tanong mo ng isang napakalutong na HINDI. ok na ba? :)

mayabang ka ba? yabang mo eh.
X= ARAY KO.
ito ang unang pagkakataon sa buong buhay ko na may nagsabi sa akin na mayabang ako. nasaktan naman ako. hindi mo ako lubos na kilala para husgahan ako. ayaw ko nga ng mga taong mayayabang tapos mayabang pala ako. tsk. ano naman ang dahilan at nasabi mo na mayabang ako? may nagawa ba akong mali?

totoo ba talaga ang destiny?
X=
wala akong ebidensiya na totoo ang destiny pero sa palagay mo, ano ang nagdala sa iyo dito sa site na ito?

saan ba makikita ang mga boud ng maikling kwento
X=
bibigyan kita ng madaling paraan kung paano makakagawa ng buod. ang gawin mo basahin mo ang unang 3 pangungusap ng bawat paragraph at makakabuo ka ng buod.

kung may saksakan g ganda, sa tingin mo may saksaka din ng pangit?sin kaya yun? bakit walang pageant na search for miss panget o mister panget??
X=
wala namang pangit sa mundo. kawawa naman pag nagkataon ang saksakan ng pangit. bumabase lang ang lipunan sa ginawa nilang antas ng kagandahan na kung saan ang mga pinakamagaganda lamang ang binibigyan ng karapatan.

Gwapo nga ni Dennis Trillo. Napanood ko siya kagabi sa Super Twins. Anyways my question is, HOW DO YOU FACE YOUR PROBLEM IF YOUR PROBLEM IS YOUR FACE?
X=
hindi ko alam ang sagot diyan dahil kahit kailan hindi ko naranasan na maging problema ang mukha ko. haha. :)

bungang araw
X=
ano naman ang tungkol sa bungang araw?

so type mo si gk?
X=
siguro alipores ka ni gk? pambihira.

marunong bang magmahal ang manok? bakit?
X=
oo naman. marunong magmahal ang manok. kung ang gasolina nga nagmamahal ang manok pa kaya?

ano ang meron sa iyo na wala sa iba pero meron sila na wala ka at meron siya?
X=
sumakit ulo ko sa kakaisip ng sagot sa tanong na ito--seryoso. wala akong meron.

ano bang tanong ang gusto mong itanong sa iyo?
X=
kahit anong tanong pwede itanong sa akin. gusto niyo pati assignment niyo itanong niyo na rin sa akin.

kakulangan sa tulog
X=
ano naman ang tanong mo tungkol sa kakulangan sa tulog?

sino si gk?
X=
si gk at guitar_kidd ay iisa.

Totoo ba talaga ang destiny? Lahat ba ng tao may nakalaan na magmamahal sa kanya ng lubusan? Paano kung hinihintay mo siya at hinihintay ka rin nya? pano kayo magkikita?
X=
wala akong karapatang sabihin na totoo ang destiny dahil wala akong sapat na ebidensiya para diyan. lahat ng tao may nakalaan na magmamahal sa kanila. kung kinukuwestiyon mo ang konsepto ng 'hintayan' lagi mong tandaan na hindi ito hahadlang sa kung ano ang nakalaan. gagawa at gagawa ng paraan ang 'destiny' para magtagpo kayo.

Gasgas na to pero, if you are given a chance... why?
X=
ano akala mo sa akin? kalahok sa isang gay beauty contest? if i am given a chance its because, i thank you. :)

Nakabuntis daw kasi si Dennis Trillo eh. Anyways, bat di mo sinagot tanong ko? Sam o Piolo?
X=
totoo ang balita. ako yung nabuntis niya. :) chos! kaya hindi ko sinagot ang tanong mo kasi wala akong gusto sa kanilang dalawa. si dennis trillo ang gusto ko kasi gwapo siya at hindi silahis.

prangkahan na... type mo ba si neil?
X=
kilala ko kung sino ang nagtanong nito kaya hindi ko sasagutin. kala mo maiisahan mo ako? alam mo ba na sa tanong na iyan, binibigyan mo ng karapatan si neil na magyabang? :)

dahilan ng pagiging bi sexual
X=
gawin daw bang search bar ang question box? :) hindi ba gumagana ang google? pambihira. pumunta ka na lang DITO.

ano ang ibig sabihin ng tsismis
X=
isa ka pa. ang tsismis ay mga gawa gawang balita ng mga walang magawa sa buhay. ang mga tsismis ay walang pawang katotohanan.

namimis na kita, namimis mo ba ako?
X=
miss na kita.

bakit ang sakit magmhal???khit 22o kn
X=
kakambal na ng pagmamahal ang sakit. malalaman mo lang na nagmamahal ka na kung nasasaktan ka na. tao ka lang at hindi perpekto ang mundo. huwag ka na lamang umasa ng sa gayon ay hindi ka masaktan.

paumanhin. paano mo natitiis na hindi maglagay ng picture mo gayong sobra kang nagagandahan sa sarili mo? kung maganda ako kagaya mo maglalagay ako ng marameng picture! teka. mahalaga ba ang pisikal nakagandahan sa blogosphere?
X=
tanong mo, sagot mo. hindi naman ako sobrang nagagandahan sa sarili ko. garabehe naman yan. pinaninindigan ko lang talaga ang aking logo. hindi naman talaga pisikal na kagandahan ang mahalaga sa blogosphere. minsan nga nagtitiwala pa tayo sa mas hindi natin gaano kakilala at nakikita. sa friendster marami akong litrato--nagkalat. pilitin niyo muna ako bago ako maglagay ng litrato ko rito.

sino mas gwapo? si PIOLO o si SAM?
X=
bakit puro silahis ang natitipuhan mo? mas gwapo sa kanila si Dennis Trillo.

bakit ba ako nagtatanong dito?
X=
kasi gusto mong subukan kung gumagana yung question box ko. naiinggit ka rin kasi ang dami ng nagtanong dito--ikaw na lang ang hindi. bwahaha.

kung merong ganun ang ganyan, ano ang maaano sa ganun?
X=
yung ano kasi, mahilig mang ano. ano ng ano di naman inaano, kung aanuhin mo naman aanuhin ka rin. mahirap kasi baka kapag hindi mo anuhin kung ano ano ang inaano. ano?

Kung ako ang araw at ikaw ang buwan, saang galaxy black hole tayo iikot at hanggang kailan ka tatagal iikot? Bakit?
X=
sinusubukan mo talaga kakayanan ko sa Cosmology? sa dinami dami naman ng pwedeng kong isimbolismo bakit buwan pa? pwede, star na lang? teka--ang mga star hindi umiikot. at bakit mo pinapapareha ang mga sarili natin? feeling mo gusto kitang partner?

seryosohan na, kung araw ka at buwan ako, gagawa tayo ng sarili nating galaxy at ang tanging dahilan ng pagikot nating dalawa ay ang isat isa. yun ang mga banat! kinilig ka naman? *poker face* kadirreee. yuucckk talaga. ang baduy. tumitindig ang balahibo ko. hindi ko kaya. eewness. pabubugbog kita sa tulfo brothers sa ginawa mong ito. :)

bakit kaya busy ako?
X=
kasi wala ka ng panahon para makapagpahinga at makasama ang mga mahal mo sa buhay. kung patuloy mong uunahin ang iyong pinagkakaabalahan, hindi magtatagal ay magsasawa kang muli sa iyong ginagawa at makokompromiso ang iyong kalusgan.

anong tanong ang dapat kong itanong sayo?
X=
kung anong sagot ang gusto mong isagot ko. labo.

yung bi ba e bisexual o bad influence?
X=
Oo nga ano. baka naiba ko ang konteksto ng salita. bakit naman kasi hindi na lang itype kung BISEXUAL o BAD INFLUENCE. pambihira. kung ang tanong ay "BAD INFLUENCE ka nga ba?" hindi ako BAD INFLUENCE--bakit? kaibigan ba kita para impluwensiyahan ko? haha.

nagpapatawa ka ba nung sinabi mong habulin ka ng lalaki? natatawa ako eh.
X=
hindi ako nagpapatawa nung sinabi ko iyon. pero kung natatawa ka--siguro nagbibiro nga lang ako ng mga panahong iyon. pero alalahanin mo na lang ang kasabihang 'jokes are half meant'.

crush ka daw ni guitar_kidd?
X=
wala namang masama kung hangaan niya ako diba? tsaka hindi ko rin alam kung totoo yun. palaisipan pa rin iyan para sa akin. bakit kaya hindi na lang natin siya tanungin? hindi maganda na ako ang magsasalita para sa nararamdaman niya.

ano ang mga dahilan ng pagiging mataba
X=
ang taba ay ang hindi nagagamit na enerhiya na nakaimbak sa tissue ng tao. unang dahilan ng pagiging mataba ay ang sobrang pagkain. kung madami kang kumain pero hindi mo naman nagagamit ang enerhiya na nakukuha mo mula sa iyong mga kinain--malamang ay itago ang enerhiyang hindi nagamit at gawin itong taba.

maaaring maging dahilan ng pagiging mataba ay ang mga sumusunod:
-pagtigil sa paninigarilyo
-kakulangan sa tulog
-paulit ulit na pagsubok sa pagbabawas ng timbang
-kulang sa ehersisyo
-gamot
-genetics
-kultura

*pati ba naman dito sa blogosphere nars pa rin ako? pambihira. :)

totoo ba na masama ang mang-agaw ng boypren? bakit??
X=
masama ang mang-agaw ng syota ng iba. kahit ano--bagay man o nilalang na agawin mula sa isang tao ay maituturing na masama. sabi mo 'inagaw' ibig sabihin malinaw ang intensiyon mo at hindi sinasadya ang ginawa mo.

bi ka nga ba?
X=
Nagbabasa ka ba ng blog ko? malamang hindi kasi kung nagbabasa ka, halos lahat yata ng post ko nagpapakita ng kalandian sa mga lalake. :) walang masama sa pagiging bisexual at lalong lalo ng HINDI AKO BISEXUAL--STRAIGHT AKO. itong landi kong ito napagkamalan pa akong bisexual?

kapag nautot ka ng ubod ng baho at talagang nakakahiya dapat bang magsabi ka ng sorry or excuse?
X=
Oo naman. subukan mo kayang amuyin yung utot mo. ewan ko lang kung mapatawad mo pa sarili mo. kung medyo dyahe kang umutot, idaan mo na lang sa pagdighay.

kung si darna ay may bato, si krystala ay may krystal at si captain barbell ay may barbell, ano naman ang kay super xienah?
X=
magandang tanong pero mahirap sagutin. hindi pa ba ninyo nahahalata? si super xienah ay may--naguumapaw na alindog. sapat na yun para mapaamo ko kayong lahat.

ako to, yung nagtanong kung mahal mo ko. oo mahal kita, ngayon maari mo na ba akong sagutin?
X=
huwat? masyadong strong ang personality mo. gusto ko yan. :) teka. kung mahal mo ako bakit hindi mo sabihin sa akin at dito ka pa sa question box nagtatago? sa palagay ko nalilito ka lang. infatuation yan at hindi love.

mahal mo ba ako?
X=
ah eh. teka lang. hindi ba tayo masyadong nagpapadalos dalos? haha. ang mga kabataan talaga ngayon--mapupusok. garabe. bakit mo naman ako tinatanong kung mahal kita? wala bang nagmamahal sa iyo? ako ba mahal mo? haha. ang kapal na talaga ng mukha ko.

wala.. just be yourself.
X=
oo naman. i am always myself. how about you? how is yourself?

ano ba talaga ang nauna, itlog o manok??
X=
the age old question. MANOK ang nauna. biblically, hindi nabanggit na gumawa ang diyos ng itlog. scientifically, dumaan kasi ang mga hayop sa evolution. sa totoo lang hindi ko talaga alam. huwag ka maniwala sa akin--barbero ako.

may date ka na ba sa valentines day? ako meron na.
X=
tama bang manginggit? mapa araw man ng mga puso o ordinaryong araw lang--hindi ako lumalabas at nakikipagdate. AYAW KO. lahat ng imbitasyon tinatanggihan ko kahit isang inosenteng pagnood ng sine o pagkain ng fishball sa recto. alam kong darating ako sa punto ng buhay ko kung saan kailangan kong gawin ang nararapat pero hindi pa ngayon ang tamang panahon. ang dami kong sinabi diba? oo at hindi lang naman ang sagot.

para saan ba talaga itong tanong at sagot?
X=
ang question box na ito ay para sa mga taong may gustong sabihin at itanong pero walang lakas ng loob na magpakilala sa akin dahil ayaw nilang mapahamak at masaktan ko. tulad mo.

do you know me Ang-ang Pacheco
X=
i do not know you personally pero pagbibigyan kita ng free plugging dito sa question box ko. :) at least ngayon kilala na kita.

bakit xienah ang pangalan mo? redundant na sa kagandahan mo.
X=
text ko na lang kaya sa iyo ang sagot. obvious naman kasi kung sino ka. bolero. tsk.

ano ba dapat gawin para mahalin ka?
X=
tinatanong mo ako kung ano ang dapat mong gawin para mahalin mo ako? kahit nalabuan ako sa tanong mo, ayos lang naman sa akin kahit hindi mo ako mahal. hindi naman kita pwedeng utusan na mahalin ako--kusa mo lang mararamdaman yan. woho0. tigas talaga ng mukha ko. :)

anong mas madaling gawin? bed bath o bed shampoo?
X=
bed bath. period.

kung makikipagtanan ba kailangan pang magpaalam sa magulang?
X=
ngayon lang ako nakaranas ng magtatanang magsyota na isasama ang magulang. ano yan, bakasyon en grande? yun nga ang essence ng pagtatanan--ang maging malaya mula sa mga taong humahadlang sa inyong pagiibigan. pero hindi ko inirerekomenda ang pagtatanan dahil sa hirap ng buhay ngayon. kung iniisip niyo na parang nagbabahay bahayan lang kayo--huwag niyo na lang ituloy. buhay at kinabukasan ninyo at ng magiging anak niyo ang nakataya dito. huwag niyo itong sirain para sa panandalian at makamundong kaligayahan.

hindi ako magagalit, pero kung magagalit ba ko'y papansinin mo?
X=
napapakamot na lang ako sa ulo. mapapansin ko yun sa negatibong paraan. nagagalit ka dahil nagpapaligaw ako sa iba? hindi pa nga tayo magsyota sinasakal mo na ako. huwag ganun. masyado ka naman yatang seloso. woho0. haha. :) katext ko lang yung taong nagtanong nun pero para sa iyo hindi ko papayagang manligaw. hard to get to tsong--mga 1week. :)

grabe! nursing student din ako ngunit hindi ko alam na di pala ginagamot ang plema. para saan pa ang solmux?
X=
hindi ko alam panatiko ka pala ni aga muhlach. :) katulad nga ng nasabi ko, may natural na plema ang ating lalamunan. ang gagamutin mo ay ang ubo at hindi ang plema. bilang mga nurse, hindi tayo nagbibigay ng gamot--kundi doktor. ang ginagawa lang natin ay ang mga independent nursing actions tulad ng increase fluid intake at iba pa. napasubo ako doon ng di oras sa tanong na iyon. :) nagkamali ka lang siguro sa terminong ginamit mo.

11569200 divided by the square root of twenty five is my last 7 digits... the first four is 09**... catch you then!mwah
X=
nahilo ako bigla sa equation. ano ka ba? kaya nga nursing ang kinuha kong kurso ay dahil sa mahina ako sa math. e kung numero ko na lang kaya ibigay ko sa iyo para mabilis? basta antayin mo text ko. :)

pinayagan mo bang manligaw yung nagtanong kung pwedeng manligaw sa yo?
X= NAKAKALOKA.
garabe na ito. halos isuka ko na yung baga ko rito sa kakatawa. kung papayagan ko siya na ligawan ako magagalit ka ba?

Ano mabisang gamot sa plema?
X=
at saan mo nakuha ang tsismis na ginagamot ang plema? normal lang ang pagkakaroon ng plema. dumedepende lang iyon sa kulay ng plema na mayroon ka. pero ang maipapayo ko lang sa iyo ay ugaliin mo na uminom ng maraming maraming tubig para mabawasan ang paninikit nito sa iyong lalamunan.

xiena, gwapo ba ako? ;p
X=
pambihira. mali pa ang pagbaybay mo sa pangalan ko. teka. ano ba sabi ng nanay mo? subukan mong maniwala sa kanya. pero para sa akin--hindi ka gwapo... GWAPONG GWAPO. mas gwapo ka pa kay willie. yun oh. pengeng dollar.

bakit may mga babaeng mangaagaw ng katipan?
X=
dahil sila ay mga freaking losers na walang ibang mapagpasahan ng init ng katawan. hindi. pero para sa akin, gusto lang nila ng thrill sa buhay. huwag kang magalala dahil panandalian lang iyan. kung mas mahal ka ng syota mo, ikaw ang pipiliin niya.

pwede bang manligaw?
X=
may magagawa ba ako kung talagang habulin ang kagandahan ko? ipadala mo sa akin ang numero mo ng maligawan mo na ako. sa gayon ay maibigay ko sa iyo ang tirahan ko para madalhan mo ang aking nanay ng brazo de mercedes.

What are you?
X=
baka kapag sinagot ko yan ma-fall ka na ng tuluyan sa akin. asa ka. anong ibig mong sabihin na 'what are you?' choppy ka pero sasagutin ko yung tanong mo base sa pagkakaintindi ko--Babae ako.

sino si Xienah?
X=
makikilala mo kung sino ako sa oras na makalimutan mo ang pangalan ko.

ilan ang holes sa golf ball???
X=
trick question ba ito? wala namang hole ang golf ball. dimple meron pero walang hole.

paano gumawa ng paputok?
X=
aba malay ko. hindi naman ako taga bocaue. pero yung pinakaepektibong paputok na ginagawa ng kapatid ko ay ang pagkain ng sandamukal na pinaghalo halong tsibog at pagsasara ng pinto sabay utot.

bakit may taong tanga?
X=
wala naman talagang taong tanga. meron lang talagang mga taong nagmamagaling at nagmamarunong.

what is your vital statistics?
X=
36-27-36, kasama na diyan yung mga kinain ko nung bakasyon.

pwede ko bang malaman ang cellfone No. Mo?
X=
wala akong hilig sa pakikipagtextmate pero para sa iyo, susuwayin ko ang batas na yan. ibigay mo number mo sa akin.

may syota ka na ba?
X=
single and WILL BE available.

Who would you want to be tied to for 24 hours?
X=
sa ngayon, sa isang blogger muna. hindi ko muna babanggitin yung pangalan kasi baka magfeeling gwapo--mahirap na



<< Home

home
Archives
Ads


Click Advertise on My Blog